Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali
Bianca Umali

Bianca palaban sa bagong serye

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

KAKAIBA at mas palabang Bianca Umali ang mapapanood sa much-awaited family drama series ng GMA Network na Legal Wives. Bibigyang-buhay ni Bianca sa serye ang karakter ni Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael—ang role ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Pagkukuwento ni Bianca, nakare-relate siya sa ipinakitang katatagan ng kanyang karakter sa kabila ng karahasan na pinagdaanan nito. ”Nakare-relate ako sa strength niya—sa strength niya to face the challenges na ibinigay sa kanya. Kasi kahit na wala siyang alam, kahit na hindi niya ini-expect ‘yung mga mangyayari sa kanya, hinarap niya pa rin ‘yun ng buong puso at hindi siya nawala sa sarili niya.”

Isang simpleng college student si Farrah na nag-aaral sa Maynila na magiging biktima ng karahasan ng isa sa kanyang mga kaklase. Ito ang magtutulak sa kanyang amang si Abdul Malik (Bernand Palanca) na ipakasal siya sa matalik na kaibigang si Ismael.

Bukod kay Bianca, gaganap din na mga asawa ni Dennis sa serye sina Alice Dixson at Andrea Torres. Mapapanood na ang natatanging kuwento ng Legal Wives sa world premiere nito sa July 26 sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …