Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
thief card

12 Chinese nasakote sa online gambling

DINAKIP ang 12 Chinese nationals dahil sa ilegal na operasyon ng online gambling nitong Biyernes sa Parañaque City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ma Juan, 24;  Chen Bung Hui, 34; Zheng Shi Feng, 27;  Li Zhu Xing, 26;  Wa Zhen, 30;  Tong Chao Yun, 29;  Ji Qing Laz, 22;  Li Ling Yu Qi, 32;  Yang Shu Qi, 24;  Yu Zin, 32;  Wang Shen, 20 at Li Wei, 22.

Base sa ulat na naka­rating kay Southern  Police District (SPD) director BGen. Jimili Maca­raeg nitong Biyernes, nahuli ang mga suspek sa 50 Matthews St., Multi­national Village, Brgy. Moonwalk, Paraña­que City.

Sa nasabing lugar, naaktohan ang mga suspek na nagsasagawa ng ilegal na operasyon sa online gambling.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Presiding  Judge Noemi J. Balitaan, ng Parañaque City Regional Trial Court (RTC), Branch 258.

Bago ang pag-aresto, ayon kay Macaraeg, naka­tanggap ng intelligence report ang kanyang mga tauhan hinggil sa mga dayuhang sangkot sa pamemeke umano ng credit card.

Dahilan upang mag-apply ng search warrant ang pulisya sa tanggapan ni Presiding Judge Balitaan, na agad naman inaprobahan, hanggang nagresulta sa pagka­kaaresto sa nabanggit na mga dayuhan.

Nakompiska ng mga awtoridad ang laptop, computers, cellular phones, computers, cellular phones.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998) as amended by RA 11449.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …