Wednesday , November 20 2024

Yorme Isko ng Maynila puwedeng-puwede na bilang pambansang lider

BULABUGIN
ni Jerry Yap

SABI nga, kung nasaan ang Maynila, naroon ang ating bansa.

        At kung ang namumuno sa Maynila ay maayos na nagagampanan ang kanyang tungkulin, at nagagawa ang higit pa sa inaasahan ng mga Manileño, hindi nakapagtataka na marami ang naniniwalang magiging mahusay siyang Pangulo ng bansa.

        ‘Yan ngayon ang inaasahan kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng marami nating mga kababayan dahil sa mahuhusay na proyektong ginagawa niya ngayon sa Maynila.

Sa kanyang ikatlong State of the City Address inihayag ni Yorme Isko:

“Kung ako’y tatanungin ninyo to explain in 50 words what you have done so far for Manila?

“In all modesty, we put vaccines in their arms;  food on their table; roofs over their heads;  money in their  pockets; computers on the hands of  children;  stipend in the wallets of our students, seniors, PWDs, and solo parents; new streets they can walk on, new health facilities they can walk in, new parks they can work out.

“And above all, hope in their hearts.

“Manila, God First!”

        E sa totoo lang, isa si Yorme Isko sa mga alkalde sa buong bansa na hindi dumaraing bagkus ay gawa nang gawa.

        Sinabi niya, maliit na bilang sa populasyon ng lungsod ang nakatanggap ng ayuda mula Social Amelioration Program (SAP).

        Kaysa dumaing nang dumaing, gumawa ng paraan si Yorme para makatanggap ng ayuda buwan-buwan ang mga Manileño na higit na nangangailangan.

        Ginawa rin niyang regular ang allowances ng senior citizens, persons with disability (PWDs), solo parents, at mga estudyante sa pampublikong paaralan.

        Hindi lang evacuation center, nagpatayo ng proyektong pabahay si Mayor Isko sa Baseco Compound. Hindi simpleng pabahay kundi isang komunidad na kompleto sa pangangailangan.

        Sa pananalasa ng pandemya, sinikap na magkaroon ng quarantine facilities sa loob mismo ng Maynila. At tiniyak na ang lahat ng ospital sa lungsod ay mayroong CoVid-19 wards.

        Sa panahon ng pagbabakuna, kahit kulang ang supply mula sa national government, nagsikap si Yorme Isko na makakuha pa ng donasyon para  maabot ang target na mabakunahan.

        At ang hindi malilimutan, mula nang maupo bilang alaklde ng Maynila hanggang sa kasalukuyan, hindi tumitigil si Yormer Isko sa pagrerekorida sa kung saan-saang barangay sa lungosd.

        Kumbaga, mayor na walang tigil sa kaaaksiyon — ‘yan si Mayor Isko.

        Hindi lang mga material na ayuda kundi nagbigay ng pag-asa si Yorme sa kanyang mga kababayan noon hanggang sa kasalukuyang panahon ng pandemya

        Kaya hindi nakapagtataka kung bakit nakahanay siya ngayon sa presidential wannabes — Sara Duterte, VP Leni Robredo, Tito Sotto, Manny Pacquiao, Alan Peter Cayetano, at si Yorme.

         Ibig sabihin, hindi lang ang Maynila ang natutuwa at humahanga kay Mayor Isko — kundi ang buong bansa.

Sabi niya, “If we have done so much with so little so fast under challenging conditions, it is because ordinary people rose to do the extraordinary things. We did not lockdown development. We did not place progress in quarantine. We worked through the long dark night…”

        Ano ang formula ni Yorme kung bakit niya nagagawa ito?       

Simple lang ang sagot niya: “If people are shown how taxes they have paid are spent, they will pay it, on time. I say it again: The best way to promote tax obedience is to practice good governance.”

May madyik ba sa pamumuno ni Isko? Wala, dahil ang ‘birtud’ niya ay walang iba kundi katapatan at wagas na paglilingkod.

Congratulations Yorme Isko!          

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *