PINANGUNAHAN ni P/Lt. Col. Romell Velasco, Chief Regional Community Affairs and Development Division, sa ilalim ng superbisyon ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang 100 pulis na ate at koyang sa pagtatanim ng may 500 punla ng punongkahoy at bungangkahoy para matugunan ang global warming at climate change alinsunod sa proyektong “Kaligkasan” ng pulisya na may temang “Pulis, Makakalikasan.”
Layunin nitong makatulong sa pangangalaga at proteksiyon ng kagubatan at kapaligiran sa ginanap na Tree Planting activity nitong Biyernes ng umaga, 9 Hulyo, sa Brgy. Ayala, sa bayan ng Magalang, lalawigan ng Pampanga.
Itinaon ang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng 26th Police Community Relations month ng PRO3-PNP sa Central Luzon.
“PRO3 upholds the significance of the PNP core value “Makakalikasan” and will continuously empower its personnel in preserving and protecting our environment,” pahayag ni P/BGen. De Leon.
(RAUL SUSCANO)