Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joem ‘di iiwan ang ABS-CBN

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ISA pang walang balak umalis sa Kapamilya Network ay ang aktor na si Joem Bascon at tinuldukan niya itong sinabi nang makatsika siya sa face to face presscon ng pelikulang The Other Wife nitong Lunes ng hapon sa Botejyu Capitol Commons, Pasig City.

Nabanggit ni Joem na walang dahilan para lisanin niya ang ABS-CBN at ang Star Magic na nagma-maneho ng karera niya sa mahabang panahon at in fairness, masunurin siyang empleado base na rin sa mga nakararating sa amin.

At dahil mabait at masunurin ang aktor bukod sa mahusay din siya kaya ang kapalit ay alagang-alaga siya ng manager niyang si Allan Real ng Star Magic.

Inamin naman ito ni Joem, ”Yes, masasabi ko po na they are taking care of me. Hindi naman nila ako nakakalimutan kapag may trabaho at hindi rin nila ako nakakalimutan kausapin kapag may problema.

“Happy ako with the management. Happy rin ako sa ABS-CBN. Lagi naman akong may work. Right now kasi I have work with ABS-CBN and I’m happy naman. Mayroon akong ‘The Broken Marriage Vow,’ nandoon po ako.”

At ang reaksiyon niya sa mga naglilipatang Kapamilya stars sa ibang TV network, ”Hindi mo naman masisisi kasi kailangan naman nila ng trabaho, eh. Kung wala namang work sa isang network lilipat sila. Basta lang po ang akin, makipag-usap nang tama, magpaalam ng tama, okey naman po ‘yon,” punto de vista ni Joem.

Samantala, medyo wild ang love scenes nina Joem at Lovi Poe gayundin kay Rhen Escano kaya natanong ang aktor kung alam ito ng partner niya ngayon na si Meryll Soriano na ina ng anak niyang si Guido.

“Yes, opo, ipinapaalam ko po. And then sa tulong ni Direk Prime (Cruz) at ng buong production staff, naayos naman, napag-usapan naman. Siyempre kung minsan may mga bagay na kailangang i-tone down o kailangang baguhin lalo na kapag nasa set na, pero napag-usapan naman.

Napag-usapan namin yon ni Meme (palayaw ni Meryll), and I guess after this, siguro ‘yon, magto-tone down muna ako sa paggawa ng daring scenes sa mga films na gagawin ko,” sagot ng aktor.

Mapapanood ang The Other Wife simula sa Hulyo 16 sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, at Vivamax produced ng Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …