Tuesday , November 5 2024

Presyo ng 24-hr RT-PCR test mas pinababa ng Cebu Pacific

MAS abot kaya na ang proseso ng Test Before Boarding (TBB) ng Cebu Pacific sa pagpapababa ng presyo ng 24-oras na RT-PCR test mula P3,200 ay naging P2,500 ito.
 
Ang presyong ito ay ekslusibo para sa mga pasahero ng Cebu Pacific at garantisadong
pinakaabot-kaya.
 
May mga pasilidad sa mga lungsod ng Mandaluyong, Davao, at Bacolod ang Safeguard DNA Diagnostics Inc. (SDDI), partner ng Cebu Pacific sa pagsasagawa ng RT-PCR testing.
 
Kabilang pa rin ang negatibong RT-PCR result sa mga requirement ng mga lokal na pamahalaan sa pagpasok sa ilang mga destinasyon kung ang pasahero ay hindi pa bakunado o hindi pa kompleto ang dosage ng CoVid-19 vaccine.
 
“We are committed to keep not only our flights as affordable as possible, but even our services across the board. As some local and international destinations may still require negative RT-PCR test results, we made sure we are able to provide the cheapest rates in the market which may conveniently be availed by every Juan through our website,” pahayag ni Candice Iyog, CEB vice president for Marketing and Customer Experience.
 
Maaaring mag-book ng appointment para sa RT-PCR testing ang mga pasahero ng Cebu Pacific at Cebgo sa http://bit.ly/CEBTestOptions.
 
Mula rito, maaari nang puntahan ang website ng laboratory upang ipanalisa ang kanilang schedule online.
 
Bukod sa Safeguard DNA Diagnostics Inc. (SDDI), may mga special rated din para sa mga pasahero ng Cebu Pacific ang Health Metrics, Inc. (HMI) at Philippine Airport Diagnostic Laboratory (PADLAB), parehong accredited laboratory ng Cebu Pacific.
 
Sa Health Metrics, Inc. (HMI), nagkakahalaga ng P2,500 ang RT-PCR test na naglalabas ng resulta sa loob ng 48 oras, habang P3,200 ang halaga ng test na makapaglalabas ng resulta sa loob ng 24 oras.
 
Sa PADLAB, nagkakahalaga ang RT-PCR test ng P2,899 na makapaglalabas ng resulta sa loob ng 24 oras, at P2,699 sa paglalabas ng resulta sa loob ng 48 oras.
 
Bukod dito, ekslusibong nagkakahalaga ng P675 ang antigen test para sa mga pasahero ng Cebu Pacific sa kanilang TBB testing facility sa NAIA Terminal 3.
 
Isa lamang ang testing sa tatlong pangunahing hakbang ng Cebu Pacific sa mahigpit nilang ipinatutupad upang magkaroon ng kompiyansa ang mga pasahero na muling bumiyahe.
 
Kabilang sa mga hakbang na ito ang ‘safety and sanitation’ at ‘track and trace.’
 
Patuloy na nagpapatupad ang Cebu Pacific ng multi-layered approach to safety at nagawaran ng 7/7 stars ng airlineratings.com para sa kanilang COVID-19 compliance.
 
Lagi rin pinaalalahanan ang mga pasahero na magparehistro sa Traze App ng Department of Transportation para sa mas mabisang proseso ng contact tracing.
 
Pinapayohan din ang mga pasahero na laging tingnan ang mga travel requirement ng mga LGU ng kanilang mga destinasyon.
 
Para sa listahan ng travel requirements, testing options, flexibility options at frequently asked questions, maaaring magpunta ang mga pasahero sa www.cebupacificair.com. (GMG)

About G. M. Galuno

Check Also

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Prestone

 A New Era of Vehicle Protection is Here with Prestone’s 5X Superior Protection Guaranteed

The #1 Brake Fluid and #1 Coolant in the Philippines unveils the new look of …

Puregold Masskara Festival

Mga kilalang OPM artist nakipista sa Bacolod Puregold MassKaravan at Concert

SAMA-SAMANG dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19ang panalo spiritsa Puregold …

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 continues to expand its STARBOOKS program …

Ysabel Ortega Miguel Tanfelix Rhea Tan Sofia Pablo Shaira Diaz Beautederm Belle Dolls

Miguel mala-Ken Doll sa Belle Dolls launch

RATED Rni Rommel Gonzales NAGMISTULANG Ken Doll si Miguel Tanfelix sa piling ng tatlong Barbie Dolls na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *