Wednesday , December 25 2024

Detachmentcommander na laging nakasimangot

YANIG
ni Bong Ramos
SINO ba itong detachment commander ng isang presinto na nasasakupan ng Manila Police District (MPD) na palaging nakasimangot?
 
Sino ng ba itong detachment commander na kahit minsan ay hindi mo makikitang nakangiti man lang?
 
Hindi naman ito siguro maskara o show-off nitong mama na sa tuwina’y palaging lukot ang mukha.
 
Minsan tuloy imbes kausapin mo ang opisyal ay magdadalawang isip ka kung tutuloy mo pa ba o huwag na lang.
 
Para bang sa tuwing lalapitan ay laging hihingan siya ng pabor kaya mayroon ka man hihingin ay huwag na lang.
 
Alam mo sir, libong muscles ng mukha mo ang gumagalaw at nalulukot kung ikaw ay sisimangot samantala ilang daang muscles lang ang gagalaw kung ikaw ay ngingiti. He he he…
 
Alam n’yo ba na para maging public-friendly ka o maski na environment-friendly ay smile lang o ngiti ang sekreto, ‘di po ba?
 
Paano kayong lalapitan ng mga tao na may dapat sanang sabihin o i-relate sa inyo kung nakasimangot kayo. Smile and the world smiles with you.
 
Dapat nga sana ay nakangiti pa rin kayo maski na galit na galit na kayo dahil lumalakas ang control ninyo dito at siguradong makaiiwas kayo sa anumang bagay na makasasana sa inyo.
 
Mayroon namang ibang nagsasabi na baka raw palaging nakasimangot itong si commander ay dahil maraming asawang pinakikisamahan na dapat ay isa-isa lang o one at a time.
Pero okey lang naman sir, pare-pareho lang naman tayong lalaki pero dapat be a good provider dahil iyan lang naman ang tanging dahilan para ireklamo ka ng iba.
 
Sa puntong ito ay nananawagan kami kay MPD Director Gen. Paco Francisco na sana naman ay pagsabihan niya ang kanyang mga pulis na ngumiti naman kahit minsan dahil nakaka-boost din ito ng moral.
 
At saka kapag palaging nakasimangot, ‘matik’ na madaling uminit ang ulo ng sinuman at ito ang kadalasang pinag-uumpisahan ng gulo na maaaring humantong sa barilan, tama po ba?
 
PH KAHIT LOW RISK NA ‘DI PA RIN NAGLULUWAG SA HEALTH PROTOCOLS
 
Ang bansang Filipinas, bagama’t low risk na sa virus dulot ng CoVid-19 ay ‘di pa rin nagluluwag sa ipinapatupad na health protocols tulad ng ibang bansa.
 
Isang magandang halimbawa nito, ang Estados Unidos na numero uno sa talaan ng pinakamaraming taong dinapuan ng CoVid-19 sa buong mundo.
 
Bagama’t ganoon ay nagluwag na rin sila sa kanilang health protocols na ipinapatupad tulad ng hindi na masyadong paggamit ng facemask at face shield segun sa situwasyon.
 
Wala na rin silang foot-rest na may nakababad na disinfectant sa mga entrance ng mga hotel at iba pang establisimiyento.
 
Maliban dito, marami na rin silang pagbabago sa kanilang kalakaran, tanda ng pagbangon muli ng kanilang bansa lalo sa ekonomiya at dinanas na hirap.
 
Maaari rin naman, na isa silang lehitimong mayamang bansa na bakunado nang lahat ang kanilang mamamayan kung kaya’t ganon na lamang ang pag-luluwag nila sa lahat ng aspekto.
 
Kompara sa Filipinas, sana naman, maski pakonti-konti ay huwag nang biglain at magluwag na rin para makakita man lang ng kaunting liwanag ang mga Pinoy hinggil sa pagbabago at pag-asenso maski na paano.
Sa kasalukuyan ay 12 milyon na raw ang bakunado sa ating bansa at still going on. Harinawa’y makompleto na rin natin ang kinakailangan para sa ating pagbangon.

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *