Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yulo markado sa Olympics

MARKADO si gymnast Carlos Edriel Yulo ng kanyang mga makakalaban sa 2021 Tokyo Olympics na ilalarga sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Japan.

Umugong ang panga­lan ni 21-year-old Yulo nang magkampeon sa men’s floor exercise sa FIG World Artistic Gymnastics Champion­ships sa Stuttgart, Germany noong 2019.

Paborito ni Yulo ang floor exercise at ito ang pinaghahandaan ng kan­yang mahigpit na makaka­tunggali sa quadrennial meet.

Pero ayon sa kanyang Japanese coach na si Munehiro Kugimiya ay may armas pa si Yulo na itinatago at pinagha­handaan din niya ng mabuti ang ibang events sa apparatus.

“But you know? he has two more favorite events,” wika ni Kugimiya.

Tiyak na aabangan ng kanyang mga tagahanga ang laban ni Yulo sa Tokyo Olympics.

Sa ngayon, doble ingat si Yulo upang hindi makapitan ng coronavirus (COVID-19). (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …