Tuesday , November 19 2024

72-megawatt solar farm itatayo sa Pampanga (P2.7-B proyekto pantapat sa power distributors)

ITATAYO sa lalawigan ng Pampanga ang eco-friendly 72-megawatt Arayat-Mexico Solar Farm na nakatakdang magbigay ng energy supply sa Luzon, isa sa pinakamaking solar energy plant sa buong bansa na maaaring pantapat sa mga power distributor.

Sa pamamagitan ng inisyatiba at pakikipag­tulungan ng dalawang higanteng kompanyang AC Energy (Ayala Company) at Citicore Power, pinangunahan ng mga kinatawan ng pama­halaang panla­lawigan ng Pampanga ang groundbreaking ceremony ng P2.7-bilyong proyekto.

“Ito ay one of the largest solar power plants kasi may phase 2 pa ito at sa kabuuan ay aabot sa 100 megawatts, so that makes one of the largest solar power plants sa buong bansa,” pahayag ni Oliver Tan, Presidente ng Citicore Power.

Aniya, akma ang patag na lupa at malapit sa grid connection sa itatayong planta.

“Also due to lack of power supply and lack of reliable plants, like we’ve seen in the past, couple of months, a lot of conventional plants pinned down, so that’s the advantage of renewable and sustainable energy is the availability, is much higher, and the thing we love about solar power is, it produces the right time of the year which is summer,” pahayag ng suporta ni Eric Francia, President at CEO ng AC Energy.

Ang solar farm ay isang Net-Zero Carbon Emission Future na sinusuportahan ng energy sources na angkop at napapanahon sa isinusulong ng pamahalaan ng Greenhouse Gas Emission Reduction ng 75% sa 2030.

“Sa pagtatayo ng solar farm ay tinatayang aabot sa 1,500 manggagawa na nawalan ng hanapbuhay sanhi ng pandemya ang matutulungan,” ani Board Member Atty. Ananias “Jun” Canlas.

“We are promoting Pampanga as one of the investment hub dito sa Central Luzon, and with the establishment, sa pagtatayo ng solar farm na ito, this is an assurance na ang mga papasok na investors ay magka­karoon ng sustainable and continuous supply of energy na environmental friendly,” dagdag ni BM Atty. Canlas.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *