Wednesday , December 25 2024
shabu drug arrest

2 tulak timbog sa drug bust

LAGLAG sa mga awtoridad ang dalawang hinihinalang ‘tulak’ ng ilegal na droga sa Taguig City, Sabado ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, BGen. Jimili Maca­raeg ang mga suspek na sina Alicia Mano, 48 anyos, at Jery Tagigaya, 32, kapwa nakatira sa PNR Site, Western Bicutan sa nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 7:30 pm nitong Sabado nag­sagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforce­ment Unit (SDEU) laban sa dalawang suspek sa PNR Site, Western Bicutan, Taguig City.

Nasamsam mula kina Mano at Tagigaya ang apat na pakete na naglalaman ng 15 gramo ng shabu na nagka­kahalaga ng P102,000; P200 buy bust money at coin purse.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek sa Taguig Prosecutor’s Office.

Nasa custodial facility ng Taguig City Police ang dalawang suspek. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *