Sunday , December 22 2024

Politikang sinabakan, ‘9th division’ ni Pacman

BULABUGIN
ni Jerry Yap
 
TILA pinasok na ni 8-division boxing champ, turned politician, Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao, ang ‘9th division’ ng kanyang laban.
 
Ito ‘yung ‘pinatos’ niya si Pangulong Rodrigo Duterte, nang hamunin siyang ilabas kung ano-ano ang mga ahensiya o kung sino-sino ang mga taong bantad sa katiwalilan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
 
At kapag hindi raw nakapagbigay ng listahan si Manny ay babanatan niya araw-araw at ikakampanyang huwag iboto sa 2022 elections.
 
O ‘di ba, ganyan katindi ang pinasok na ‘9th division’ ni people’s champ Pacman?!
 
Tila nagpanting ang tainga ni Senator Manny at agad niyang inihagkis ang isang kamao.
 
Sinagot niya ang hamon ni Duterte na pangalanan ang mga ahensiya ng pamahalaan na sinabing sangkot sa korupsiyon. Nanindigan din si Pacquiao at sinabing hindi siya sinungaling.
 
“Tinatanggap ko ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte. Salamat po at binigyan n’yo kami ng pagkakataon na tumulong sa inyo at bigyan kayo ng mga impormasyon para sa kampanya kontra korupsiyon,” tugon ni Pacquiao.
 
Pero, “Mawalang galang po mahal na Pangulo, ngunit hindi ako sinungaling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni’t dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling.”
 
Oha! Kasado talaga si Pacman.
 
E kasi nga naman, noong pumasok siya sa PDP Laban, para siyang ‘deodorant’ ng partido. Hindi naman siguro siya maitatalagang Presidente ng PDP Laban kung wala siyang nagawang effort para muling bumango ang partido. Acting President si Pacquiao sa PDP Laban habang si Duterte ang chairman.
 
Pero ngayong tila tumitindi ang kiskisan, pinalalayas na ni PDP Laban vice chairman, Energy Secretary Al Cusi, si Pacman.
 
Ang tindi ng analogy ni Secretary Cusi…
 
“Hindi po naman siguro tama ‘yun na sarili mong bahay susunugin mo. If you don’t like your house…don’t say something about it, lumayas ka muna bago mo sunugin ang bahay mo.”
 
Nagkakaroon na siguro ng realisasyon si Pacman, kung gaano kapait ang lason ng politika.
 
Abangan na lang natin kung ano pa ang mga susunod na pangyayari.
 
Pero, unsolicited advice lang Senator Manny. Boksingero ka naman, alam mo naman kung kailan mo kailangang pakawalan ang puwersa ng kaliwang kamao.
 
Sumayaw-sayaw ka muna, nag-uumpisa pa lang ang round, huwag ka muna umupak nang umupak. Pasabikin mo sila kung kailan ka bibigwas. Praktis ka muna, palakasin ang stamina.
 
Tanggapin mo lang muna ang mga suntok. Baka nga may kumurot at tumadyak pa, dahil gusto nilang makitang lupasay ka na.
 
Pero kahit ano ang mangyari, iisa lang ang tatandaan mo — ilabas mo ang puwersa ng kaliwa sa tamang panahon — isang matinding bigwas ng kaliwa para ma-knockout ang kalaban.
 
‘Yun lang!
 
 
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *