Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quinn Carrillo nang-iintriga

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

HINDI NGA madali para sa mga trabahador sa entertainment industry na mawalan ng pagkakakitaan sa panahon ng pandemya.

Pero higit sa kita, kailangan ding maging visible sa lahat ng pagkakataon, lalo pa at marami na ring platforms na maaari silang maabot ng balana.

Si Quinn Carillo ay parte ng grupong Belladonnas na katapat ng boy group na CliqueV sa 3:16 Media Network.

Pagsayaw at pagkanta ang forte ni Quinn. Na ang charm ay nasa morena looks.

Nabigyan ng pagkakataon si Quinn na maka-arte sa Silab ng Viva Films na tinampukan ng mga “kapatid” niya sa management na sina Cloe Barreto at Marco Gomez.

Sa July 6, 2021, masisilayan na ang Joel Lamangan project sa Vivamax.

“It’s a supporting role. Na may comic touch. And kikay ang character ko. ‘Am just happy na isang direk Joel pa ang nagbinyag sa aking pag-arte in my role as Ana’s (Cloe) friend. Mapapansin. ‘Yun ang sinabi ni direk sa akin.”

At habang umaandar ang panahon, nakakita ng pagkakataon ang kanyang management na isalang si Quinn sa isang online show with Lito de Guzman, China Roces, at Erika Embang, ang Sikat Noon, Sikat Ngayon sa EuroTV.

“Okay naman po ang unang salang ko. Exciting! Kasi, something new naman ito. Hahaha! Although nagho-host naman na kami dati sa Belladonnas ‘pag may shows. Pero iba kasi ‘yung kapag may spiels ka na kailangang memoryahin at doon sa ngayon na hosting namin, talagang ginagawa ‘yun. Hindi ka lang nag-i-intro ng guests pero nag-i-interview ka sa kanila.”

Para kay Quinn, maganda nga na bukod sa nakasanayan na nilang walang puknat na pagri-rehearse noon ng mga sayaw at kanta,  sa pagkakataong ito, may iba pa silang nadidiskubre sa mga kaya pa rin naman nilang gawin sa karerang pinasok at pinili.

“Sa sayawan, para hindi kami kalawangin ng mga kasama ko, gumagawa kami ng TikTok moves. Kaya rin, nagpapasalamat kami sa mga nakakapansin and recently, we had a show in Balesin. Kasama ko si Marco and si Ate Mia Pangyarihan. Kaya, we were lucky kasi, work with pleasure pa ang nangyari. Nakapagbakasyon pa rin.

“Itong online show with Tito Lito every saturday at 4 p.m. is a blessing. Kasi, may nadidiskubre pa rin ako sa sarili ko. Masarap rin pala ‘yung nakikipag-kuwentuhan ka sa iba’t ibang personalities. Kaya naiintindihan ko ang trabaho niyo. Ganoon pala ‘yun. Pero ‘yung pang-iintriga, sagot na ng mga kasama ko ‘yun. Hahaha!”

Kung may Brown Adonis na tinatawag, si Quinn ang Kayumangging Aprodite ng pinasok niyang mundo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …