Wednesday , November 20 2024

Hatol kay chairman inaabangan ng sambayanan (Sa super-spreader event sa Caloocan)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

BUONG sambayanan ay nag-aabang sa magiging hatol kay Brgy. 171 Chairman Romeo Rivera, sa siyudad ng Caloocan.

Hindi pa lubusang nalilimutan ng publiko nang gumimbal sa print and social media ang balita tungkol sa nangyaring kapabayaan sa Gubat sa Ciudad resort. Daan-daang eskursiyonista ang ‘lumusob’ at halos magkakasabay na lumusong sa swimming pool, habang ang NCR plus ay nasa mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ). 

Teenagers, menor-de-edad, at senior citizens ay naging malaya sa pagtatampisaw sa swimming pool, na tila hindi alintana ng management, na nagiging super-spreader event sa kanilang resort.

Kitang-kita na nakompromiso ang social distancing at tuluyan nang nalimutan ang ipinatutupad na health and safety protocols. Kaya nang biglang sumalakay ang mga awtoridad, sa pangunguna ng LGU at PNP-Caloocan, ay parang mga itik na nagpulasan ang mga nabulabog na eskursiyonista habang nagtatampisaw sa tubig.

Pinatawan ng 60-day administrative suspension ng Caloocan city government at ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal dahil sa kapabayaan sa tungkulin na nakatakdang matapos sa darating sa 2 Agosto.

Hindi lingid sa buong Caloocan ang malapit na ugnayan ni Brgy. Chairman Romeo Rivera kay Mayor Oscar “Oca” Malapitan kaya naman kaabang-abang kung magiging pabor ba o hindi ang rekomendasyon ng komite ng good governance and justice ng Sangguniang Panglungsod?

Pero hindi pa naman nagkakaroon ng finality, umuugong ang balita tungkol sa panibagong anomalya ng cash distribution sa First Tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa Brgy. 171.

Naging kuwestiyonable ang pagre-release ng ML Lhuillier branch sa Gulod, Novaliches City, ang tumatayong Financial Service Provider (FSP) STARPAY ng nasabing ayuda.

Ewan lang natin kung totoo ang tsismis na naire-release raw ng nasabing FSP Starpay Management ang 8K ayuda gamit ang “QR Code” na hawak ng “tao ni Kap” na tumatayong representative ng claimants?!

Wattafak!

Mortal sin kay Pangulong Digong ‘yan! Gaano katotoo na may kasabwat daw sa loob ng ML Lhuillier at kumukubra ng komisyon na P500 piso sa kada 8K claims sa kanila?!

Hindi ba maliwanag na panghaharbat ‘yan sa ayuda ng administrasyon mula sa taxpayers money?!

BTW, well informed kaya si DILG Sec. Eduardo Año tungkol dito?!

Sa ngayon, halos 1-M na ang nakulimbat sa buong transaksiyon at kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang anomalya.  

Ano kaya ang masasabi ni Mayor Oca sa panibagong bulilyaso ng Brgy. 171 at ng kanilang chairman?

Paano na ang pangarap na maging miyembro ng konseho sa 2022?

Hindi kaya malagay sa alanganin ang bibitbit sa kanya sa panahong ito?!

‘Iwas-dipa’ na lang muna siguro ang gustong pumadrino!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *