MUKHA ngang desperado na si Male Star. Matagal na rin niyang ambisyong kunin siyang model ng brief ng isang kompanya. Nagsikap siya, at siguro pakikisama na lang, pinag-model din naman siya ng mga mumurahin nilang t-shirt. Kasi ang mga kinukuha naman nilang model ng brief iyon talagang mga hunk, mga tunay na lalaki.
Ayaw naman siguro silang gumawa ng mga brief na may nakalagay pang ”Monday” o “Tuesday” o kaya ay bulaklakin ang design.
Eh desperado nga si male star. Nagsuot siya ng brief, nagpakuha ng picture at ikinalat sa internet. Kaso mukhang walang pumansin at nang makita daw ng isang executive ng factory ng brief, ang kilay noon ay tumaas at umabot sa 7th floor ng kanilang building.
(Ed de Leon)