Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, sumungkit ng 2 nominations sa 12th Star Awards for Music ng PMPC

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MULA sa pagiging mahusay na singer/songwriter, tila desidido ang talented na si Marion Aunor na maging aktibo na rin sa acting.
Nang uisisain kasi namin siya kamakailan sa Facebook kung ano ang susunod na dapat abangan ng kanyang fans, ang matipid na sagot niya ay, “More music and more movies po, hehehe.”
 
Actually, sa bilang ko ay naka-apat na pelikula na ang eldest daughter ni Ms. Lala Aunor.
 
Kapapalabas lang ng sex-comedy film na Kaka na tinampukan ni Sunshine Guimary. Dito’y mayroong guest appearance si Marion. Ang next na aabangan naman kay Marion ay ang Revirginized na comeback movie ng Megastar na si Sharon Cuneta sa ilalim ng Viva Films.
 
Matatandaang ang unang pelikula ng singer/aktres ay ang Tibak ni Direk Arlyn Dela Cruz, na tinampukan ni Jak Roberto. Sumunod na ginawa niya ay ang Togs ni Direk Njel de Mesa na pinagbibidahan naman nina Marion at Gerald Santos. Ang naturang pelikula ay hindi pa naipalalabas.
 
Incidentally, congrats kay Marion dahil sumungkit siya ng dalawang nominations sa gaganaping 12th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
 
Nominated si Marion bilang Female Acoustic Artist Of The Year at Female Pop Artist Of The Year para sa kantang Paasa mula Viva Records.
 
Masaya ang naging reaction ni Marion sa kanyang dalawang nominations, “Very happy and grateful po na napasama ulit ako sa list of nominees.”
 
Dagdag pa niya, “Natutuwa po and nakaka-proud para sa Aunorable Productions na tandem namin ni Ashley (Aunor), dahil dalawa kaming nominated (ni Ashley) sa dalawang categories.”
 
Nalaman namin na si Marion mismo ang nag-compose ng kantang Paasa.
 
Tungkol saan ang song na Paasa?
 
Esplika niya, “Tungkol po ito sa mga nagpapaasa sa pag-ibig. Akala mo magiging kayo na, tapos joke lang pala, hahaha!”
 
Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa bumubuo ng PMPC sa nakamit na nominasyon.
 
“Thank you po sa PMPC for including me once again. Always grateful and honored to be recognized by the PMPC,” nakangiting saad pa niya.
 
 
Ano ang reaction ng kanilang Mommy Lala sa natanggap nila ni Ashley na panibagong pagkilala sa kanilang talento sa musika?
 
“Proud naman po yata siya, hahaha! And siyempre, natuwa po,” matipid na sagot pa ni Marion habang tumatawa.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …