ISINAGAWA kahapon sa lungsod ng Las Piñas ang dialogue at paglagda sa Peace Covenant sa pagitan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Muslim leaders.
Dumalo ang NCRPO sa pamayanang Muslim sa siyudad ng Las Piñas bilang bahagi ng peace covenant o mapayapang kasunduan, kapayapaan na naglalayong ipakita ang pagkakaisa, at makakuha ng suporta laban sa terorismo.
Sinabi ni Southern Police District (SPD) Director B/Gen. Jimeli Macaraeg, ito ay bilang pagpapaigting sa peace covenant para maiwasan ang dahas at karahasan na puwedeng mangyari sa hinaharap.
Isa sa mga napagkasunduan at kanila rin iwawaksi ang karahasan na maaaring mangyari sa kanilang lugar.
Aniya, napakagandang adhikain ito para sa lahat para maiwasan ‘yung puwedeng mangyari na terroristic activities.
Nakikiisa ang Muslim leaders sa kampanya ng NCRPO na labanan ang terorismo sa bansa.
Sinabi ni General Macaraeg, magtutulungan ang Philippine National Police (PNP), Barangay at Muslim Community sa Las Piñas upang mai-monitor ang mga bagong mukha na pumapasok sa kanilang komunidad.-
(JAJA GARCIA)