KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Washington DC, United States of America (USA) na aabutin hanggang sa Disyembre 2021 ang delivery ng Moderna CoVid-19 vaccines sa Filipinas.
Partikular ang P20-milyong doses ng Moderna na donasyon ng Amerika sa Filipinas.
Inilinaw ng Embahada, ang naturang mga bakuna ay ikakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang unang batch ng naturang mga bakuna ay darating sa bansa sa 27 Hunyo at ang huling batch ay sa kalagitnaan ng Disyembre ng taon.
Nasa 249,600 doses ang unang batch ng Moderna vaccines na nakatakdang dumating sa bansa sa Linggo.-
(JAJA GARCIA)