Saturday , November 16 2024

3 medical experts mula Israel dumalaw sa Parañaque

BINISITA ng tatlong medical experts mula sa Israel ang Solaire vaccination hub sa lungsod ng Parañaque.

Ang tatlong medical experts ay kinilalang sina Dr. Avraham Ben Zaken, Dr. Adam Nicholas Segal, at Dr. Dafna Segol.

Kasama ng medical experts sina vaccine czar Sec. Carlito Galvez, Jr., Testing Czar Sec. Vince Dizon, Sec. Harry Roque at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Ayon kay vaccine czar Sec. Galvez, Jr., tatlong eksperto mula sa Ministry of Health ng Israel ay dumalaw sa bansa upang tumulong na paigtingin ang paraan ng pagbabakuna laban sa CoVid-19.

Sa limang araw na pagbisita, tatalakayin ng Israeli medical expert at Inter Agency Task Force (IATF) ang mga strategy sa vaccine deployment, paglipat sa new normal, at pagtugon sa mga nag-aalinlangang magpabakuna.

Target ng pamahalaan na gayahin ang mga paraan ng Israel upang mahikayat ang mamamayan na magpabakuna, tulad ng pagbibigay ng incentives sa mga nagpabakuna at restrictions sa hindi pa nababakunahan.

Nakatakdang magpa-press conference ang tatlong medical experts sa Lakeshore vaccination hub sa Taguig City ngayong araw. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *