Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Ara at Dave ngayong Hunyo tuloy na tuloy na

I-FLEX
ni Jun Nardo

WALA nang balakid sa kasalang Ara Mina at Philippine International Trading Undersecretary Dave Almarinez ngayong buwang ito ng Hunyo. Wala pa silang iniilabas na date ng kasal pero sa Baguio City ito magaganap.

Last April sana nakatakdang ikasal sina Ara at Dave. Naudlot ito dahil sa pagsipa ng kaso ng COVID-19 at pinairal na modified enhanced community quarantine.

Ilan sa ninang ay sina Sharon Cuneta, Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto. Panganay man si Ara sa magkakapatid, siya ang huling ikakasal. Bilang tulong ng mga kapatid, nag-ambagan sila sa bridal gown ni Ara na gawa ng famous designer ng bansa.

Kapwa may anak na sa kani-kanilang nakaraang relasyon sina Ara at Dave.  Bilang pahabol, may matamis pang Father’s Day message si Ara  kay Dave.

“Thank you for all the love you have given me and to @myamandagabrielle. We’ll always be here for you, my Dave,” bahagi ng post ni Ara.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …