LUBOS ang kagalakan at nagpapasalamat ang mga kabataang iskolar na katutubong Aeta, sa ipinagkaloob na ayuda mula sa Kapitolyo sa pamumuno nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda kasama ang buong Sangguniang Panlalawigan sa bayan ng Porac, lalawigan ng Pampanga.
Sa inisyatiba ng pamahalaan sa ilalim ng Educational Assistance Program ay pinangunahan ni Vice Mayor Sajid Eusoof ang pamamahagi ng P2,500 cash sa bawat mag-aaral na Aetang iskolar mula sa bayan ng Porac.
Kasama rin umantabay ang mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) na nangangasiwa sa paghahatid ng ayuda sa mga iskolar bilang tulong pinansiyal para maasistihan sa kanilang pangangailangan ngayong panahon ng krisis dulot ng pandemya. (RAUL SUSCANO)