Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Sa rami ng czars, si Julius Ceasar na lang ang kulang

YANIG
ni Bong Ramos
MARAMING czars ang itinalaga ng gobyerno. Tila yata si Julius Ceasar na lang ang kulang. Minsan ay nakaaasar na rin dahil sa sandamakmak na regulasyong ipinapatupad na kung titingnang mabuti ay halos duplication lang at parang iisa lang ang pakay at layunin.
 
Ang mga czar ay itinalaga at binuo sa panahon ng pandemya upang mapangalagaan ang kalusugan ng ating mamamayan laban sa banta ng virus dulot ng CoVid-19, iba-iba nga lang ng aspekto.
 
Kung hindi tayo nagkakamali, sila ang mga lider o masasabing department heads na may posisyon o label na cabinet rank, mabigat ‘di po ba?
 
Tagapangasiwa ito ng parang isang task-force na konsentrado lang sila o naka-focus sa mga bagay na may kinalaman sa pagsugpo ng virus.
 
Ang tanong ay magkano naman kaya ang puhunan ng gobyerno sa isusuweldo sa mga tao at empleyadong nasa ilalim nito, partikular pa rin siyempre sa mga czar, na malamang parang isang gabinete rin ang suweldo.
 
Mantakin ninyo kung ilan ang mga czar na ‘yan. May vaccine czar, may treatment czar, may food and poverty czar, etc. Iba pa siyempre ang IATF at NTF Against CoVid-19 na mayroong partikular na sahod.
 
Kung ating susuriin, pawang dating heneral din ang may hawak nito imbes health experts gaya ng mga doktor at siyentipiko.
 
Sa rami ng mga itinalagang czar, masasabi natin na maaaring si Julius Ceasar na lang ang kulang na isang sundalo at politiko.
 
Marami ang nagsasabing dapat ay consultant o kaya’y adviser na lang ang naging papel ng mga czar dahil halos wala naman function ang iba at once in a blue moon lang kung lumutang.
 
‘Di tuloy natin masabi kung nakaaasar o talagang inaasar lang tayo ng mga czar, ‘di po ba? Harinawa’y maging matagumpay ang inyong proyekto at layunin para sa sambayanang Filipino.
 
CALOOCAN CITY, PINAKABULOK
SA PAGPAPATUPAD
NG BATAS AT ORDINANSA
 
Marami ang kababayan nating nagsasabi na tila ang lungsod daw ng Caloocan ang pinakabulok sa larangan ng pagpapatupad ng batas at mga ordinansa.
 
Ito ay ibinase sa mga nakaraang eksperyensiya tulad ng nangyari sa gathering sa Gubat sa Siyudad Resort na sandamakmak na ekskursiyonista ang nag-tipon.
 
Walang nagawa ang barangay na nakasasakop dito at lumabas na parang nakonsinti lang ang mga tao. Malayo kung ikokompara sa ibang barangay lalo sa pagpapatupad ng disiplina.
 
May ilang beerhouse din ang naiulat na nag-o-operate sa nasabing lungsod at mga pulis mismo ay walang ginagawang aksiyon.
 
Everybody happy daw mga tao dito na walang sinusunod na health protocol partikular ang hindi pagsusuot ng facemask at social distancing.
 
Spoiled umano ang mga customer dito partikular ang beerhouse sa 5th avenue na isang major daw ng pulis ang may-ari. Nagkakandungan na raw ang mga tao rito.
 
Ito ang rason kung bakit sinasabing pinakabulok daw sa pagpapatupad ng ordinansa at batas ang Caloocan. Walang pakialaman at mas lalong walang masamang tinapay. He he he…
 
Iba at malayo raw ang nasabing lungsod kompara sa Maynila at Taguig.
 
Iyon ang sabi nila.

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *