May raket sa BI Main Office?!
Hataw Tabloid
June 18, 2021
Bulabugin
BAGAMAT tumahimik na ang isyu tungkol sa ‘pastillas’ scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), may ilang nakapagsabi na tila sa BI Main Office nag-shift ang ilang raket tungkol sa dinodoktor na encoding ng arrival and departure ng foreigners upang maiwasan ang mag-overstay.
Hindi lang matiyak ng nagbigay sa atin ng impormasyon kung sa database raw ba mismo ng BI nagkakaroon ng hokus-pokus o sa opisina raw ng Tourist Visa Section na responsable sa visa extensions ng mga turista?
Actually, hindi rin tayo makapaniwala dahil kailan nga lang ay kasama ang TVS sa mga binisita ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa pangunguna ng kanilang Director General na si Jeremiah Belgica.
Dito ay may ilang issues na tinalakay ang ARTA tungkol sa ilang reklamo na kanilang natanggap hinggil sa kuwestiyonableng proseso ng visa extensions.
Well, hindi muna tayo magiging partikular sa eksaktong detalye ng sumbong na ating natanggap. Hahayaan muna natin mag-imbestiga ang Office of the Comissioner tungkol dito.
O gusto ninyong umabot pa ang isyung ito kay Sen. Risa Hontiveros?
Gayon pa man, magiging bukas ang ating linya para sa bawat hepe ng dalawang tinukoy na opisina ng ahensiya para sa kanilang mga palusot ‘este’ paliwanag.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap