TIMBOG ang 22-anyos binata na hinihinalang miyembro ng ‘akyat-bahay gang’ nang matiyempohan ang kanyang pagsampa sa bakod ng Forbes Park Village, sa Makati City, nitong Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ni Makati City Police Chief P/Col. Harold Depositar, ang suspek na si Raynan Jim Antolin, Filipino, residente sa Mandaluyong City.
Base sa ulat ni P/Cpl. Ryan, nahuli ang suspek habang nakasampa sa pader na bakod sa 124 Cambridge Circle, Forbes Park Village, Makati City dakong 10:05 pm.
Sa imbestigasyon, habang nasa EDSA northbound, sa pagitan ng Buendia at Quingua Street, nakita ang suspek na umaakyat sa pader ng Forbes Park Village.
Nang nakababa na ang suspek, agad siyang dinakma ng mga awtoridad at ininspeksiyon ang dalang itim na back pack at nasa loob nito ang nasa 20 talampakan na stranded wire, isang wrench one cutter, isang ice pick, 2 Philips screw, isang plyer, isang metal saw, isang L-type round tube, at isang sako na pinaniniwalaang sisidlan ng mga nakaw na gamit.
Sa kabila ng pader, narekober ang tsinelas ng suspek na iniwan upang tumawid ng bakod.
Isinalang na kahapon ng hapon sa inquest proceedings ang suspek sa Makati Prosecutor’s Office sa kasong paglabag sa Article 281 ng Revised Penal Code (Other Forms of Trespass) at Batas Pambansa 6 (Illegal Possession of bladed and pointed Weapon). (JAJA GARCIA)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …