Saturday , November 16 2024
arrest posas

7 Chinese nationals arestado (Sa paglabag sa health protocols)

DAHIL SA PAGLABAG sa health protocols gaya ng social distancing at vaping, pitong Chinese nationals ang dinakip nang maispatan ng mga pulis na magkakalapit kaya sinita sila hanggang nakuhaan ng hinihinalang shabu sa Pasay City kahapon ng umaga.
 
Nasa kustodiya ng pulisya ang mga Chinese nationals na sina Deng Hongsheng, 24; Kai Liu, 23; Li Mingfa, 29; Li Xuan, 25; Li Donghui, 27; Huang Chun-We, 31, at Ruan Gouhui, 27, pawang residente sa Azure Urban Resort Residence, Parañaque City.
 
Sa report ng Pasay city police, naganap ang insidente dakong 9:00 am sa Hobbies of Asia, Diosdado Macapagal Blvd., Barangay 76, Zone 10, Pasay City.
 
Nagsasagawa ng inspeksiyon ang mga awtoridad para sa safety at security measure kontra CoVid-19, namataan nila ang mga suspek na magkakalapit na naglalakad at naninigarilyo sa pamamagitan ng vaping.
 
Sinita ng mga awtoridad ang mga dayuhan dahil sa paglabag sa health protocol.
 
Nang kapkapan ang mga suspek, nakuhaan ng 0.7 gramo ng hinihinalang shabu, na P4,760 ang halaga.
 
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Sec. 11 and 13 of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (JAJA GARCIA)
 
 
 
 
 
 

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *