Sunday , December 22 2024

Pinakamurang RT-PCR, antigen test handog ng Cebu Pacific sa mga biyahero

INIHAHANDOG ng Cebu Pacific para sa kanilang Test Before Boarding (TBB) ang pinakamurang RT-PCR test para sa mga pasahero nito sa halagang P2,500 kompara sa ibang lokal na airlines.
 
Iniaalok ng Cebu Pacific ang RT-PCR test sa pamamagitan ng kanilang dalawang accredited partners – ang Health Metrics, Inc. (HMI) at Safeguard DNA Diagnostics Inc. (SDDI).
 
Ang espesyal na presyong ito ay para lamang sa mga pasahero ng Cebu Pacific at Cebgo.
 
Dahil may mga local at international destination pa rin na nangangailangan ng negatibong resulta ng RT-PCR test bago makapasok, tiniyak ng Cebu Pacific na abot-kamay at abot-kaya ito ng kanilang mga pasahero dahil sa mas pinamurang presyo.
 
Gayondin, garantisadong mailalabas ang resulta ng test sa loob ng 48 oras. Maaari rin makuha ang resulta sa loob ng 24 oras sa halagang P3,200 para sa dalawang laboratoryo.
 
Ang HMI ay may klinika sa Pasay at Makati; habang ang SDDI ay may pasillidad sa Mandaluyong, Bacolod, at Davao.
 
“We continue to do what we can to rebuild the public’s trust and confidence in air travel. As we remain committed to providing affordable flights for everyJuan, we also made it a point to see where else we can reduce costs for our passengers – we are happy to work with our laboratory partners to make available the cheapest RT-PCR swab test rates that may conveniently be booked on our website,” pahayag ni Candice Iyog, CEB vice president for Marketing and Customer Experience.
 
Samantala, iniaalok din ng Philippine Airport Diagnostic Laboratory (PADL) ang parehong RT-PCR at antigen test ekslusibo para sa mga pasahero ng Cebu Pacific sa halagang P3,300 at P700.
 
Bukas araw-araw ang TBB testing facility sa NAIA Terminal 3 para sa mga walk-in passenger na maaaring magbayad nang direkta sa PADL.
 
Ang mga pasaherong naka-book sa Cebu Pacific at Cebgo ay maaaring pumili at mag-book ng appointment sa http://bit.ly/CEBTestOptions saka sila dadalhin sa website ng mga laboratory upang tiyakin ang kanilang mga schedule online.
 
Isa ang testing sa tatlong pangunahing hakbang na mahigpit na ipinatutupad ng Cebu Pacific upang muling magtiwala ang mga pasahero sa pagbibiyahe.
 
Kabilang sa mga hakbang na ito ang ‘safety and sanitation,’ pati na ang ‘track and trace.’ Patuloy na ipinatutupad ng Cebu Pacific ang ‘multi-layered approach to safety’ na nakakuha ng gradong 7/7 stars sa airlineratings.com para sa kanilang COVID-19 compliance.
 
Laging pinaaalalahanan ang mga pasaherong magrehistro sa Traze App ng Department of Transportation para sa mas epektibong proseso ng contact tracing.
 
Pinapayohan ang mga pasahero na palagiang i-check ang mga update at panuntunan ng mga LGU ng kanilang destinasyon.
 
Para sa listahan ng travel requirements, testing options, flexibility options at frequently asked questions, maaaring bumisita sa www.cebupacificair.com para sa impormasyon. (GMG)
 
 
 
 

About G. M. Galuno

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *