Wednesday , November 20 2024

556 senior citizens sa Zambales inayudahan ng DSWD3 at LBP (Sa ika-123 anobersaryo Araw ng Kalayaan)

NAKATANGGAP ng ayuda ang may 556 benepisaryong senior citizens sa ginanap na pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Kalayaan sa bayan ng San Marcelino, lalawigan ng Zambales, nitong Sabado, 12 Hunyo.
 
Namahagi ang Department of Social Welfare and Development Region 3 (DSWD 3) at Land Bank of the Philippines (LBP) sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng Social Welfare Development Office at Senior Citizens Affairs Office, Unconditional Cash Transfer (UCT), LBP Cash Card na nagkakahalaga ng P3,600 bawat benepisaryo bilang tulong pinansiyal.
 
Makatatanggap din ang mga benepisaryo ng social pension ang mahihirap na senior citizens ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
 
Ginawang clustering at scheduled ang pamamahagi ng ayuda upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao at tiyaking maipatutupad ang tamang minimum health safety protocol.
 
Inisyatiba ng DSWD ang pamamahagi ng pinansiyal na tulong sa mahihirap na sambayanan sa pamamagitan ng Unconditional Cash Transfer program upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin na dulot ng Tax Reform for acceleration inclusion (TRAIN) law. (RAUL SUSCANO)
 
 
 
 

About Raul Suscano

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *