ni Tracy Cabrera
SAN FRANCISCO, USA — Nagbalik mula sa naunang dalawang double bogey si Yuka Saso saka inungusan si Nasa Hataoka ng Japan sa ikatlong hole sa sudden death playoff ng dalawang premyadong golfer para magwagi sa ika-76 United States Women’s Open golf championship na isinagawa sa Olympic Club sa San Francisco nitong Linggo, 6 Hunyo.
Hinirang ang 19-anyos na si Saso bilang kauna-unahang Filipino player na nanalo sa nasabing torneo para kilalanin bilang pinakabagong banta at puwersa sa larangan ng golf sa pagkapanalo niya ng una niyang major title.
“I’d like to thank my family, I wouldn’t be here without them,” lumuluhang bulalas ng bagong kampeon.
“To all my sponsors and to all my friends and fans back in the Philippines and Japan, I’m so thankful,” aniya.
Sadyang nag-focus si Saso para sa kanyang una at sadyang napangiti sa pagpalo ng 10-foot birdie putt para sa kanyang pagwawagi matapos malampasan ang naunang hirap sa ilalim ng init ng araw sa pamosong Lake Course.
“I was actually upset,” aniya sa pagtukoy sa hindi inaasahang dalawang double bogeys sa unang tatlong hole ng paglalaro, na para bang naghudyat ng nakaambang pagkatalo.
“My caddie talked to me and said there are still many holes to go and to keep doing what I’ve been doing the past few days,” sabi ni Saso. “And to trust the process.”
Suportado si Saso buong linggo ng kanyang mga fans mula sa Daly City, na tahanan ng malaking komunidad ng mga Pinoy.
Sa panayam matapos ang kanyang panalo, sinabi ng Pinay, sa simula pa lang ay ginawa niyang inspirasyon si four-time men’s major champion Rory McIlroy at ang swing ng nasabing kampeon ang kanyang tinularan.
Umani siya ng ‘encouragement’ mula sa Northern Irishman sa isang post sa social media bago magsimula ang torneo.
“Rory said, ‘Get that trophy,’ and I did. So thank you, Rory,” nakangiting pagtatapos ni Saso.
Check Also
Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23
QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …
4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre
SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …
P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV
Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …
Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit
IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …
PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon
HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …