“ILUSYONADO” ang tawag nila sa isang male starlet na hindi pa man sikat, marami na ang claims. Ngayon sinasabi niyang sa tingin daw niya mas sexy naman siya sa ibang male stars na mas sikat kaysa kanya.
Kung mas sexy siya at mas magaling siya, bakit mas sikat ang mga iyon sa kanya at siya ay nananatilIng starlet hanggang ngayon?
Marami talaga ang mahilig magbigay ng mga kontrobersiyal na statement para mapansin lang eh, tutal ang iniisip nila maaari namang sisihin ang media at sabihing “misquoted” lang sila. Pero kung starlet ka lang at ganyan na ang attitude mo, sino ba ang magtitiyagang pumansin sa iyo?
Humanda ka nang maging starlet habambuhay.
(Ed de Leon)