Sunday , December 22 2024

Inamin ni Raymund Marasigan Eraserheads hindi talaga close bilang magkaka-banda

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

SINAGOT ni ex-Eraserheads drummer na si Raymund Marasigan ang pahayag ni Ely Buendia na ang kanilang legendary Pinoy rock foursome are not friends.

They are, according to him, but not just the close kind.

Ang kawalan raw ng deep bond ang pinakadahilan kung bakit the band broke up, ipinaliwanag ito ni Marasigan sa kanyang YouTube channel.

Hindi na raw sekreto ‘yung mga nakikita sa kanilang social media feed na hindi sila nagha-hangout na magkakasama but with different people.

Nag-react si Marasigan sa komento ng ex-frontman nilang si Ely Buendia sa Wake Up with Jim and Saab podcast, na ang kanilang hit song na “Minsan” ay tungkol sa pagka-miss nito about the good old days kasama ang kanyang dormmates sa Kalayaan Residence Hall, at hindi patungkol sa grupong Eraserheads.

Idinagdag ni Ely na sila ng kanyang former bandmates ay hindi kailanman naging magkakaibigan.

Nagpaliwanag naman si Raymund, na sumikat bilang lead vocalist ng Sandwich na, “In this age of social media, if you check for the past 10 years, 20 years our feeds as individuals, you will easily see who we were hanging out with. It’s not a secret ever since.

“But I consider everybody my friend in the band,” he added. “And that we are not close, I’m also aware of that. Ibig sabihin, not close (meaning) that we don’t text each other. I have their numbers, we don’t text each other.”

Inamin ni Marasigan, ang kantang “Minsan” ay tungkol talaga sa roommates ni Buendia while he was staying in Kalayaan.

“We are not batchmates, ahead siya by a year. So he was talking about those guys who I know din. Those are the people he talked about in “Minsan.” I’m sorry if I’m breaking hearts,” he asseverated.

Bagama’t hindi raw sila talagang close, sinabi ni Marasigan na hindi naman daw dumating sa puntong he and his fellow bandmates wouldn’t want to be in the same room together.

“I do respect them. And I think we all wanted to make things work together. We’re just not close. Yes, after the show, we had drinks, celebrate, but that’s it,” he quipped.

Sa nasabing podcast, sinabi ni Buendia na ginagamit raw ng mga fans ang song na “Minsan” para ma-guilty ang grupo sa pagkaka-disband ng Eraserheads.

“I don’t wanna break hearts again, but we were never close. We were never friends. That’s why we broke up,” Buendia said matter of factly.

“But you know, it was good while it lasted. We had a very, very good working relationship,” he added.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

 

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *