Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Facemask o face shield hindi na kailangan pang gumamit ang mga bakunado, magandang insentibo

YANIG
ni Bong Ramos

MAGANDANG insentibo, kung ipag-uutos, ang hindi paggamit ng facemask ng mga bakunado o ang mga indibiduwal na natapos nang bakunahan ng 1st at 2nd dose.

Ito ang iminumungkahi ng ilang health experts at kasalukuyan namang pinag-aaralan ng Department of Health (DOH).

Marami rin anilang nakokombinsing mga tao sa panukalang ito partikular ang ilan nating mga kababayan na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nagpapabakuna.

Magandang insentibo na ito kaysa magpa-raffle ng bigas, baka, pera at kung ano-ano pa upang makombinsi ang taong magpabakuna. ‘Di hamak yatang mas masarap na walang takip ang iyong mukha at sariwang hangin ang ating nalalanghap, ‘di po ba?

Mas mainam din daw na magkaroon ng pagbabasehan ang ating mamamayan hinggil sa diperensiya at kalamangan ng isang taong nabakunahan na at ang hindi pa nababakunahan.

‘Matic at mas lamang ang nabakunahan dahil siguradong protektado at may depensa laban sa virus na dulot ng CoVid-19.

Kailangan din anilang malaman ang mga pribilehiyo ng isang indibiduwal na nabakunahan na gaya nga ng hindi paggamit ng facemask dahil mistula itong harang.

Ganoon pa man, kailangan pa rin niyang sumunod sa ibang health protocol tulad ng social-distancing at pakikihalubilo sa maraming tao na halos mag-eskrimahan ng mga laway.

Sana nga ay aprobahan na ng DoH ang panukala na hindi kailangan pang gumamit ng face shield ang isang taong bakunado.

Ito ay tanda rin na unti-unti na nating nagagapi ang banta ng CoVid-19 dahil sa bakuna at pag-iingat pa rin sa sarili nating kalusugan.

Dito rin siguro natin makikita at mararamdaman kung gaano kabisa at kaepektibo ang mga bakunang itinurok sa atin.

Mauumpisahan nga ito sa utay-utay na pagluluwag at ang unang hakbang nga, ang iminumungkahing puwede nang hindi gumamit ng face shield ang taong bakunado na.

Slowly but surely, unti-unting mapagta­tagumpayan ang ating dinanas na hirap laban sa virus, na maraming kinitil na buhay, ‘di lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Kailangan marahil na tayo’y maging matapang upang pumusta at sumugal anomang tadhanang ating puwedeng sapitin, no guts, no glory ‘ika nga, ‘di po ba?

Manalangin din tayo na harinawa’y mabaku­nahan ang lahat ng Pinoy at nawa’y sa pamama­gitan nito’y bumalik muli sa normal ang lahat ng kaganapan at kalakaran.

 

BEERHOUSE SA 5TH AVENUE, CALOOCAN CITY, TULOY-TULOY PA RIN ANG OPERASYON

Talagang super-duper lakas at talaga yatang untouchable ang mangement ng beerhouse sa 5th Avenue malapit sa panulukan ng Rizal Avenue sa Caloocan City.

Matindi talaga marahil ang sinasabing major ng pulis na may-ari nito kung kaya’t hanggang sa kasalukuyan ay tuloy pa rin ang operasyon.

Mistulang poultry ng manok ang nasabing beerhouse na halos magkapalit-palit ng mga mukha ang mga customer at mga receptionist na babae, nagkakandungan na nga raw ang iba. He he he

Everybody happy daw pagsapit ng 6:00 pm onwards, hangga’t may customer na buhay, umiinom at higit sa lahat, may pera ay walang problema.

May nagbulong sa atin na kapag malalim na raw ang gabi ay mukha itong sarado at kunwa’y may padlock pa pero kumatok ka lang daw at dali-daling magbubukas lalo sa kanilang mga regular customer na kakilala nila, mahusay ha…

Naiulat minsan ang aktibidad ng major na may-ari nito at ng kanyang asawa na namamahala naman sa mga babae at sa kaha ngunit dedma lang at walang aksiyon na para bang sinasabing hindi niyo kami ‘kaya.’ He he he…

Naisangguni na rin ang problemang ito kay Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan, ewan lang natin kung alam, kinokonsinti o ‘di kaya’y hindi ipinaparating.

 

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *