Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kate Brios Allen Dizon Abe-Nida

Kate Brios, proud sa pelikulang Abe-Nida

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
 
ISA si Kate Brios sa casts ng pelikulang Abe-Nida na tinatampukan ng award-winning actor na si Allen Dizon, Katrina Halili, direk Joel Lamangan, Ms. Gina Pareño, Maureen Mauricio, Vince Rillon, Leandro Baldemor, at ang Pola, Oriental Mindoro mayor na si Ina Alegre.
 
Ito ang bagong obra ni Direk Louie Ignacio, mula sa istorya ni Direk Louie mismo at sa script ni Direk Ralston Jover.
 
Gumaganap rito si Kate bilang si Myrna, ang buntis na asawa ni Leandro at pinsan ni Allen bilang si Abe.
 
Saad ni Kate, “Ako iyong matapang na nabuntis dito at hindi ko gustong kausapin si Abe dahil nga may sira sa pag-iisip.”
 
Ibinida rin ng aktres na proud siya sa ganda ng kanilang pelikula. Lahad ni Ms. Kate, “Sobrang ganda ng pelikulang ito, nakaka-touch din, dahil ito ay istorya ng isang kilalang poor artist na bipolar.”
 
Nabanggit din niyang sobra siyang nag-enjoy sa pelikulang ito. Aniya, “Yes, sobrang nag-enjoy ako sa pelikulang ito, lahat sila puro award winning actor. Kaya sobrang thankful ako dahil nakasama ako rito sa Abe-Nida.
 
“First time ko rin nakatrabaho si Direk Louie Ignacio, masaya siyang kasama at cool na cool bilang direktor.”
 
Ang Abe-Nida ang hudyat sa pagbabalik ng BG Productions International ni Ms. Baby Go sa paggawa ng pelikula na natigil dahil sa pandemic.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …