NAGRETIRO na ang PBA player na si Marc Pingris, asawa ng dating aktres na si Danica Sotto-Pingris pagkalipas ng 16 years.
Huling naglaro si Marc sa koponan ng Magnolia Hotshots noong simula ng 2017 at hindi na nakapaglaro nitong 2020 para sa PBA Bubble dahil sa COVID-19 pandemic bukod pa sa nagkaroon siya ng injury. At dahil nag-expire na rin ang kontrata niya noong Disyembre 2020 ay ini-announce niya nitong Martes ng gabi ang kanyang pagre-retiro.
Ipinost ni Marc sa kanyang Instagram account ang video noong bata pa siya at kung paano siya nakapasok bilang manlalaro ng basketball.
Caption ni Marc, “@jeanmarc15 #pinoysakuragi15signingoff.
“I remember my name being called during the 2004 PBA Draft. Doon nagsimulang matupad ang pangarap ng isang batang palengke. 16 years na din ako sa PBA pero alam ko na ngayon na din ang tamamg panahon para umpisahan ang bagong chapter ng buhay ko.
“I want to thank everyone na naniwala at sumuporta sakin, sa MAMA ko na inspiration ko, sa ATE & KUYA ko na nag-disiplina sakin, at lahat ng relatives ko.
“Thank you to Mayor MORDEN, boss JESSIE CHUA who recruited me. Thank you sa AIR21 for drafting and trusting me, thank you Boss Bert Lina.
“Salamat sa COACHES na nag guide sakin – coaches coach boyz zamar, Johnny Tam, Leo Austria, Siot Tanquincen, Ryan Gregorio, Chot Reyes, Jorge Gallent, Jason Webb, & Chito Victolero at asst coaches. To all my TEAMMATES Thank you! Appreciate you all!
“Thank you sa SMC, BOSS DANDING, BOSS RAMON ANG, BOSS ALFRANCIS, BOSS ALEJO, GOV PARDO, BOSS CAP at sa muse ng Purefoods si mam REENA. Thank you sa lahat ng BALL BOYS kay DOC RAFFY,NICK.RC.JOJO
“COACH TIM, it’s because of you that I grew to understand the sport as more than a game. Thank you for giving me the opportunity to become part of history with our 2014 grand slam. I am proud to have played the game we both love with you.
“Thank you tito ED PONCEJA na tumayong pangalawang ama ko. Salamat sa mga payo
“GILAS family, thank you!
“PBA FANS, salamat sa suporta nyo. Hindi mabubuo ang PBA kung wala kayo. Mamimiss ko ang games, ang mga sigaw nyo, lalo na sa Manila Clasico!!!
“To all MEDIA, thank you sa pagbuhos ng oras para mahatid ang balitang PBA.
“Sa TROPANG PINGRIS, Mahal ko kayo!
“To MIC & CAELA, I love you! Everything I do is for you. To my SOTTO family, I love you all! To DADDY VIC and MOMMY D, salamat sa supporta, pagmamahal at pagtanggap sakin. To Papi and Mamita, my PINGRIS fam. Thank you for your love and support.
“To my wife, Danica, thank you for your love. Thank you for all the sacrifices you made for me & our family. Thank you for staying beside me, for pushing me to work harder & never give up. I love you!
“Higit sa lahat, Salamat Lord God sa pag gabay at sa lahat ng blessings.
“It has been a glorious 16 years, #pinoysakuragi15signingoff.”
Nagpahayag din ng suporta ang asawang si Danica sa pag-post ng larawang yakap niya si Marc sa kanyang IG account.
Ang caption ni Mrs. Pingris, ”Every time Marc has a game, especially an important one, ‘yung tipong mga do or die games… di mo makaka usap yan! He’s quiet and not his usual kulit self. Naka focus sa talaga sa game. Minsan ilang araw pa. I give him his space kasi nag iisip talaga ‘yan ng malalim. But once the game is over… he will always look for me and the kids in the crowd so he can hug us and say he loves us.
“Pag ganyan na siya sa akin it means mission accomplished na siya. Nanalo na team nila, para sa family namin o kaya para sa bayan.”
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan