TINANONG namin si Judy Ann Santos-Agoncillo kung ano na ang mga natututuhan niya sa journey niya sa Judy Ann’s Kitchen na online cooking show niya?
“Iba-iba,” bulalas ng multi-awarded actress.
“Kasi nagba-vary ‘yung gusto ng mga tao, eh. Noong una iniisip ko, baka dapat makinig ako sa bawat suggestions nila, sa comments nila. And then I realized, hindi ako ganoon magluto, eh.
“Nagluluto ako base kung ano ‘yung feel ko, anong kundisyon ko.
“Learnings, basically is hindi lahat talaga masusundan ‘yung paano ako magluto.
“Yung mga unang seasons kasi, three at a time, four at a time, ganoon kasi akong magluto.
“And then eventually kina-cut down ko na para masundan lagi ng mga tao.
“And then natutuwa ako.
“Natutuwa ako. Ang hindi ko in-expect, ‘yung reactions ng mga tao kapagka may mga nagpapadala ng mga message sa amin na how much JAK helped them sa anxiety nila, sa mga thesis nila, kung paano silang tawang-tawa, kahit hindi sila nagluluto, nanonood sila ng JAK, parang it became a weekly habit for them already.
“Iyon ‘yung hindi ko in-expect talaga na… kasi noong ginawa naman namin ‘yung JAK, basically gusto ko lang mag-inspire ng tao, na lahat naman nagkakamali sa pagluluto.
“Kahit seasoned chefs, nagkakamali sa pagluluto.
“And it’s okay, kasi roon ka matututo, eh. Kung ano ‘yung ia-adjust mo, ano ‘yung idadagdag mo, kung ano ‘yung gusto mo pang i-explore na lasa.
“Lahat naman siya natututunan sa mga mistake na magagawa mo along the way,” pahayag ni Judy Ann.
Rated R
ni Rommel Gonzales