Saturday , April 19 2025

Miss Grand Myanmar Han Lay ‘di makauwi, binabantaan pa ang buhay

HINDI pa nakababalik sa kanilang bansa sina Miss Grand Myanmar Han Lay at Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin dahil pareho silang may arrest warrant kapag tumapak silang muli sa Myanmar (na dating Burma ang pangalan). Parehong vocal ang dalawang Myanmar beauty queens sa pagkontra sa mga kaganapan ngayon sa kanilang bansa.

Si Han ang official candidate ng Myanmar sa 8th Miss Grand International na ginanap sa Bangkok noong March 27, 2021.

Ipinadadakip si Han dahil sa paratang na ginamit ng beauty queen na plataporma ang coronation night ng Miss Grand International para ipaalam sa buong mundo ang karahasan at pang-aabusong ginagawa ng militar sa Myanmar mula nang magtagumpay ang coup d’etat noong February 1, 2021.

“Today in my country Myanmar, there are so many people dying. Please help Myanmar. We need your urgent international help right now.

“I will continue to be the voice of the people of Myanmar as I consider this my responsibility.

“I will use the international platform as well as social media to reach out to the international community,” bahagi ng pageant speech ni Han na sinundan nito ng pagkanta ng Heal The World.

Hindi ito ikinatuwa ng Myanmar military junta.

Walang katiyakan kung kailan makababalik sa Myanmar si Han dahil bukod sa warrant of arrest, nakatatanggap siya ng mga pagbabanta sa buhay.

Sa kasalukuyan, ang Miss Grand International Organization ang kumukupkop kay Han buhat nang dumating ito sa Bangkok mula sa Myanmar.

Pero buo pa rin ang loob  ng Burmese beauty queen. Sa interbyu sa kanya ng Korean Broadcasting System News (KBS) noong May 15, 2021, sinabi ni Han na pinagbabantaan pa rin ang kanyang buhay sa social media.

Binanggit din ni Han na lumipat ang pamilya niya sa ibang lugar sa Myanmar para sa sariling kaligtasan, pero hindi siya pinipigil ng kanyang ina sa pagsasalita laban sa military junta.

“My mom moved to another place. She told me to keep going. ‘If you think this is the right thing, keep going, I will support you and never give up. I will be beside you always,’” sabi ni Han sa interbyu sa kanya ng KBS News.

Ayon kay Han, 770 na ang bilang ng mga kababayan niyang namatay dahil sa pakikipaglaban para sa demokrasya. Hindi kompleto ang bilang dahil mas marami pa ang nagbuwis ng buhay na hindi kasama sa opisyal na listahan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED Rni Rommel Gonzales PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Rhian Ramos

Rhian bumisita sa 7 simbahan sa Maynila

MATABILni John Fontanilla NGAYONG Holy Week ay inihatid ng programang Where In Manila, hosted by Rhian Ramos ang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *