Saturday , November 16 2024

Bakuna vs CoVid-19 ‘nasindikato’ — MMC (P10k-P15k bentahan)

PINANGANGAM­BAHAN sa regular meeting ng Metro Manila Council (MMC) na napasok na ng ‘sindikato’ ang lumulu­tang na isyu sa bentahan ng slot para sa coronavirus disease  (CoVid-19) vaccine o ‘vaccine-for-a-fee scam.’

Kahapon mariing sinabi ni MMC chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ang bakunang supply ng national government ay hindi ipinagbibili at libre itong ituturok sa kalipikadong residente.

Binigyang linaw ng alkalde na hindi pa inaaprobahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang marketing o pagbe­benta ng alinmang CoVid-19 vaccine kaya’t ilegal ang naga­ganap na bentahan sa pribado.

“We have received reports about some unscrupulous individuals offering CoVid-19 vaccines for sale, or assuring slots in vaccination program of cities in Metro Manila,” ani Olivarez.

Sa mga ulat na na­tang­gap, ang vaccination slots ay inaalok umano sa presyong mula P10,00 hanggang  P15,000, o depende sa brand ng bakuna.

Inaasahang dadalo sina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at San Juan Mayor Francis Zamora para magbigay-linaw sa mga napaulat na ilegal na bentahan ng CoVid-19 vaccines.

Nabatid na hiniling ni Abalos sa National Bureau of Investigation (NBI) cybercrime division na magsagawa ng masusing pagsisiyasat sa nasabing usapin habang si Zamora ay nanawagan na sa mga nabiktima ng sinasabi niyang ‘scam.’

Hinikayat ni Oliva­rez  ang mga constituent na ireport sa pulisya at sa mayor’s office ang matutukoy na sangkot sa nasabing ilegal na bentahan.

“We will deal with these individuals and groups with full force of the law,” anang alkalde.

Binigyang diin ni Olivarez, ang lungsod ng Parañaque ay may mahigpit na proseso sa vaccination.  Walang hindi daraan sa pagpa­parehistro muna at ang government procured vaccines ay hindi pang komersiyo kundi para sa kasalukuyang priority slots na A1, A2 at A3 categories.

Tumugon ang lungsod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH) na huwag nang banggitin ang brand ng gagamiting baku­na. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *