PUSPUSAN ang isinagsagawang surprise inspection ni P/BGen. Eliseo DC Cruz bagong talagang Regional Director ng PRO4A sa malalaki at maliliit na presintong kanyang nasasakupan upang matiyak na ang Intensified Cleanliness Program ni C/PNP Gen. Guillermo Eleazar, ay nasusunod ng mga pulis sa CALABARZON.
Ayon sa panayam kay P/BGen. Eli Cruz, umabot na sa 18 city at municipal police stations ang kanyang nainspeksiyon kabilang ang mga Police Community Precincts (PCPs) upang masiguro na maayos na sumusunod ang mga pulis sa kautusan ni C/PNP, Gen. Eleazar patungkol sa kalinisan sa hanay, sa presinto at sa komunidad.
“Kapag malinis ang ating hanay at mga opisina ay mas tataas ang respeto ng komunidad sa pulisya kaya’t dapat nating ipatupad ang magandang adhikain ng ating C/PNP,” Ani Cruz.
Sa pag-iikot ni RD Cruz sa ilang presinto na sakop ng Cavite, Batangas, at Quezon, may ilang himpilan ang nakita nitong kulang sa maayos na pag-aalaga at pagkumpuni sa opisina kaya’t ang opisyal mismo ang nagbigay ng galon-galong pintura at tulong upang maging malinis, maganda, at maayos ang opisina, kasabay ng warning sa hepe ng maruming presinto.
“Nagbigay tayo ng mga pintura at on-the-spot ay hinintay natin na masimulan ang pagkumpuni sa mga sira at pagpintura sa mga pader ng presinto, para masiguro natin na natutupad ang layunin ng ating C/PNP Gen. Eleazar. Maganda dito ay mabilis ang aksyon ng mga pulis CALABARZON dahil nang magsimula tayong mag-ikot ay nagkusa na rin ang ibang hepe na magpaayos, maglinis, at magpintura ng kanilang opisina.
“Nag-ikot tayo nang biglaan, sorpresa hindi para mapagalitan ang mga pulis, andito tayo para mas mapaganda ang kalidad ng serbisyo, upang aksiyonan ang mga pangangailangan at tulungan sila sa kakulangan at pangangailangan ng mga himpilan,” ani Cruz.
Sa kabila nito, possible umanong magkaroon ng sibakan sa hanay ng mga pulis-Calabarzon partikular ang mga mahuhuling walang tugon sa utos ni RD Cruz patungkol sa ICP ni C/PNP Gen Eleazar gayondin ang mga hepe na posibleng mapalitan kapag mababa ang accomplishments kontra kriminalidad at droga.
Kabilang sa prayoridad ni P/BGen. Cruz bilang RD ng PRO CALABARZON ay mapaganda ang bawat himpilan ng pulisya tulad ng kanyang ginawa sa headquarters ng SPD at NPD nang siya ay manungkulan bilang District Director sa ilalim ng pamumuno ni NCRPO RD P/MGen. Vicente Danao kamakailan. (BRIAN BILASANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …