Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MMA fighter nabalian ng ari

Kinalap ni Tracy Cabrera
 
SA HULING episode ng ‘Sex Sent Me to the ER’ ng TLC, inamin ng MMA fighter na si Ray Elbe na nabali ang kanyang penis habang nakikipagtalik sa kanyang kasintahan.
 
Ayon sa 38-anyos na si Elbe, habang nagse-sex sila ng kanyang girlfriend ay aksidenteng nadulas ito at napabagsak sa kanya kaya nabaluktot ang kanyang ari, ulat ng Metro.
 
“Unfortunately, as she went a little bit too high, I slipped out, and when she came back down I was still obviously fully erect, and basically (she) bent me over the top,” wika ng atleta.
 
Inilinaw ng mga doktor mula sa emergency room na kasama sa palatuntunan, ang dahilan umano ng pagkabali ng penis ng MMA warrior ay dahil ang “spongy tissue inside” na sadyang nagpapalaki at nagpapatigas ay nagkaroon ng injury nang madaganan ng nobya.
 
Agad dumanak ng dugo nang mabali ito, at nawalan ng malay si Elbe sanhi ng pagkawala ng maraming dugo. Isinugod ang biktima sa ospital para lunasan ang pagkakabali ng kanyang ari.
 
Ayon sa mga doktor, na-rupture ang urethra ni Elbe at gayondin ang isang major artery sa kanyang penis bukod pa sa dorsal vein. Makaraan ang 12 oras ng surgery at walong linggong pamamahinga, nakapag-full recovery naman ang biktima.
 
“I’ve had some significant injuries, but as far as the actual pain, and I was in shock at that point, it was brutal,” punto ni Elbe sa mga producer ng ‘Sex Sent Me to the ER.’
 
Ipinaliwanag din ni Dr. Jed Kaminestky, isang clinical assistant professor sa NYU Medical Center at medical advisor para sa Promescent, ang pagkabali ng penis ay iba sa fracture ng buto.
 
“When engaging in intimacy, an erect penis can be fractured, but not in the typical way a bone would fracture,” ani Kaminestky.
 
“Unlike fracturing your humerus or radius (the bones that run from your wrist to elbow), if a penis fracture occurs, the corpora cavernosa tears,” dagdag ng prominenteng doktor.
 
 
Ang corpora cavernosa ay ang tatlong spongy chamber na bumubuo ng ari ng isang lalaki at ito ang napupuno ng dugo kapag nagkaroon ng erection.
 
Habang pambihira ang karanasan ni Elbe, sinabi ni Kaminestky na ang ganitong uri ng injury ay nagaganap makaraan ang matinding hampas o pagtama sa penis, na madalas nangyayari sa sports.
 
“When a penis does fracture, you may hear a popping sound, and the penis can start to turn black and blue. In severe cases, you can damage the urethra leading to bloody urine,” sabi nito sa Insider.
 
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …