Wednesday , November 12 2025

Alden focus muna kay Jasmine; movie kay Bea saka na

NAG-SCRIPT reading na sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez noong Mayo 15 para sa Kapuso primetime series na The World Between Us.

Ipinost ito ng GMA Network senior program manager na si Anthony Pastorpide noong Sabado ng gabi sa Facebook na ang script reading session ay dinaluhan din nina Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, at Direk Dominic Zapata.

Ayon kay Pastorpide, nagkaroon na ng script reading sessions before ang cast. Nasa final preparations na sila sa safety protocols para sa umpisa ng lock-in shooting sa Mayo 18, Martes.

Kinompirma ni Pastorpide na kasama rin sa cast ng The World Between Us si Glydel Mercado, pero nilinaw niyang wala sa cast si Cherie Gil.

May lumutang kasing tsismis noon na kinukuha si Cherie para sa seryeng ito.

Sa serye muna magpo-focus si Alden dahil medyo matatagalan pang simulan ang pelikula nila ni Bea Alonzo na A Moment To Remember. May balitang bandang August pa sila magsisimula dahil mahirap pa talagang mag-shoot ngayon. May kahigpitan pa sa safety and health protocols.

Sana, by that time, humuhupa na ang COVID cases at magbubukas na ang mga sinehan.

May mga nag-iisip ngang baka Kapuso na si Bea by the time na gawin niya ang first ever movie with Alden.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …

Rodjun Cruz Dianne Medina

Dianne at Rodjun masinop, may bagong bahay at lupa  

MATABILni John Fontanilla NAKABIBILIB talaga ang pagiging masinop ng mag-asawang Rodjun Cruz na si Dianne Medina, bukod nga …

Coco Martin Julia Montes Spain

Coco at Julia nagbabalak daw bumili ng property sa Spain 

MATABILni John Fontanilla GAANO katotoo ang balitang nagbabalak daw sina Coco Martin at Julia Montes na bumili ng property …