Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Yor-me, tunay na trabahador

IKINOKONSIDERA ng maraming Manilenyo, si Yorme Isko Moreno ay isang tunay na trabahador dahil sa walang humpay nitong ginagawang pagtatrabaho para sa kapakanan ng mga residenteng naninirahan sa lungsod ng Maynila.
 
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, napapansin nila na walang ibang ginagawa si Yorme kundi pulungin at kausapin ang kanyang mga staff hinggil sa mga programang ipinapatupad para sa mga Manilenyo.
 
Madalas na inaabot ng madaling-araw si Boss Isko sa city hall kung kaya’t halos hindi na raw nakauuwi sa kanyang pamilya, bunsod na ng sobrang pagod at pag-iisip.
 
Ilan sa mga programa niyang tinututukan ang monthly distribution ng mga food pack, mabilisang pagbibigay ng ayuda sa mga kinauukulan, kalagayan ng mga senior citizen at ang kasiguraduhan na mabakunahan sa lalong madaling panahon ang mga residente.
 
Hindi na gawain ng isang alkalde ang ganito karaming aktibidad na puwedeng-puwede naman iendoso sa kanyang mga staff at department heads.
 
E ayaw naman umano ni Yorme ang ganitong kalakaran. Hindi anila nasisiyahan kapag iniaatang sa iba ang responsibilidad bagkus ay mas nagagalak siya kapag siya ang personal na gumagalaw at nagpapalakad ng kanyang inumpisahan lalo sa maselang panahon gaya ngayon.
 
Sa kanyang angking husay, galing, performance at estilo, mukhang mahihirapang lagpasan o tumbasan man lang ang kanyang ginagawa ng mga kapwa niya alkalde partikular sa National Capital Region (NCR).
 
Ang ganitong klase ng malasakit para sa kapwa lalo sa larangan ng serbisyo-publiko ay hindi basta kakayanin kung wala itong kaakibat na sinseridad at motibasyon para sa publiko’t mamamayan.
 
Ito rin ang rason kung kaya’t ikinokonsidera si Yorme na isang trabahador dahil sa walang-humpay niyang pagtatrabaho nang walang iniindang pagod para sa kapakanan ng marami.
 
Sa ating mga Manilenyo, dapat nating ipagmalaki ang ating lungsod, pagmalasakitan at itanim sa ating mga puso’t diwa ang kinagisnan nating kultura. Ito ay isang malaking pribilehiyo.
 
KUNG NASAAN ANG MAYNILA, NAROON ANG BANSA
 
Tama, dahil kung wala ang Maynila ay wala rin makikilalang Filipinas na sa simula’t sapol ay naging tradisyon na at nakasanayan na ng buong mundo na imbes Filipinas ay “Manila” ang tawag nila sa ating bansa.
 
Dapat nating pangalagaan ang ating lungsod dahil ito ang numero unong siyudad na dapat munang ‘makuha’ ng sinoman bago mapasakanya ang buong Filipinas.
 
Dito rin muna sa Maynila binibilang ang pera bago pa ito makarating sa iba’t ibang lungsod, lalawigan at iba pang mga lugar sa buong Filipinas, ‘di po ba?
 
Kahit sa anomang banta, threat to national security, coup d’etat o anomang take-over, Maynila muna ang dapat kunin para makuha ang buong Filipinas.
 
Ito nga naman ang seat of government kung kaya’t ito muna ang dapat kunin dahil balewala rin kung makuha ang Luzon, Visaya o Mindanao.
 
Pagyamanin sana natin at mahalin ang Maynila dahil ito ay isang malaking pribilehiyo partikular sa mga lehitimong naninirahan dito dahil kung nasaan ang Maynila, naroon ang ating bansa.
 
 
YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *