PORMAL nang ipinasa ni P/BGen Eliseo Cruz ang pamumuno sa Southern Police District (SPD) kay P/BGen. Jimili Macaraeg nitong Martes, 11 Mayo.
Si P/BGen. Macaraeg ay dating SPD Deputy director na pinamumunuan ni P/BGen. Eliseo Cruz, kamakalawa pormal inilipat sa una ang pamumuno SPD.
Mula SPD malilipat si Gen. Eliseo Cruz sa Region 4A o Calabarzon.
Kapwa PMA Class 91 ang dalawang heneral.
Kasunod ng turnover ceremony pinasinayaan ang bagong SPD command center sa ikalawang palapag ng SPD headquarters.
Ibinida ni P/BGen. Cruz, ang bagong command center para sa monitoring ng sitwasyon, galaw ng mga operatiba na nasa labas habang naglulunsad ng kampanya sa pamamagitan ng handheld radio na may GPS at body cam na ibinigay ng National Headquarters ng PNP.
Ayon kay P/BGen. Cruz, 16 bodycam bawat city police station sa Metro Manila para magamit ng mga operatiba at masubaybayan ang kanilang galaw sa pamamagitan ng apat na malalaking TV monitor mula sa SPD command center.
Nalalaman na rin, ayon sa district director ang bawat galaw ng mga operatiba habang nagsasagawa ng
pag-aresto sa isang suspek, maging sa buy bust operations.
Nalalaman na rin ng mga opisyal kung may mga ginawang paglabag sa operasyon sa pamamagitan ng kanilang bodycam. (JAJA GARCIA)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …