NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.1 milyong hinihinalang shabu mula sa isang drug suspect na naaresto kamakalawa sa Makati City.
Nasa kustodya ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11, Art. II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si Ernesto Macaraig, Jr., 38 anyos.
Base sa report ng Makati City Police, dakong 1:50 pm nang mahuli ang suspek sa tinitirahan nito sa panulukan ng La Banda St. at Lower San Nicolas St., Brgy. Guadalupe Nuevo.
Batay sa ‘tip’ na natanggap sa isang impormante hinggil sa pagbebenta ng droga, agad silang nagkasa ng buy bust operation laban sa suspek.
Isa sa mga operatiba ng Makati City Police ang nagpanggap na poseur buyer at nang magpositibo ay dito na inaresto ang suspek.
Nakuha kay Macaraig ang nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000. (JAJA GARCIA)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …