PATAY ang isang Chinese national na kalalaya pa lamang sa kulungan habang kasama ang isang babaeng paralegal staff sa loob ng isang taxi nitong Lunes ng gabi sa Parañaque City.
Hindi umabot nang buhay sa Parañaque Doctors Hospital ang biktima na kinilalang si Wang Teng Shou, nasa hustong gulang at residente sa Malate, Maynila, may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Sa ulat ng Parañaque City Police, nangyari ang pamamaril sa harapan ng Skyway katabi ng Automobilico sa kahabaan ng Doña Soledad Avenue, Barangay Don Bosco sa nasabing lungsod, dakong 6:45 pm.
Sinundo ang Chinese national ng isang Gina Rubiato, nagpakilalang paralegal staff ng KRT Law Firm, residente sa Brgy. Santa Cruz, Pasig City, ang Chinese national sa Metro Manila District Jail Annex 2, Camp Bagong Diwa,Taguig City matapos nitong mapagsilbihan ang sentensiya sa kasong RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Sumakay sina Shou at Rubiato sa Toyota Avanza (Tadique Taxi ), may plakang WVO-664 na minamaneho ng isang Noel Cerrada, 57 anyos, para magpahatid sa sa Adriatico St., Malate, Maynila.
Pagsapit sa naturang lugar sa Skyway biglang sumulpot ang nakamotorsiklong suspek saka pinagbabaril nang ilang beses si Shou bago tumakas sa hindi malamang direksiyon.
Agad dinala ang sugatang Chinese national gamit ang ambulansiya ng Brgy. Don Bosco sa naturang ospital upang malapatan ng lunas ngunit binawian na ng buhay.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at follow-up operation ng awtoridad sa nasabing insidente. (JAJA GARCIA)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …