Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

15 ektarya ng pahinuging palay sinalanta at tinuyot ng Cabuyao Rehabilitation NIA Road Project

“WALA silang awa sa aming mga maglulupa!”
‘Yan ang hiyaw at sentimyento ng mga magsasaka matapos ang walang pakundangan na ‘pagsupil’ sa patubig patungo sa mga sakahan ng palay sa NIA road na sumasakop mula Barangay Banay-Banay patungong Niugan hanggang Barangay Marinig sa City of Cabuyao, lalawigan ng Laguna.
Itinuturong ‘salarin’ ang Rehabilitation of National Irrigation Administration (NIA) Road Project ‘kuno’ at sinabing proyekto raw ng City Engineering Office (CEO) and Cabuyao Investment and Development Authority (CIDA) under the leadership of City of Cabuyao Mayor Rommel Gecolea.
Ewan lang natin kung ‘aware’ ba o tinimbrehan kaya si Mayor Mel na dapat bago inumpisahan ang proyekto ng CEO at CIDA, may 15 ektaryang sakahan diyan sa lugar na ‘yan ang may nakatanim na pahinuging palay at naghihintay ng masaganang ani.
Ang siste, sa sobrang pagmamadali yata ng kontraktor at mga opisyal na magka-pitsa ‘este’ matapos ang proyekto ay binarahan ang daluyan ng patubig na sumikil sa mga kaawa-awang pananim na palay.
Wattafak!
Halos madurog ang puso ng mga apektadong magsasaka sa sinapit ng kanilang mga ‘uhay!’
Mantakin ninyo, 15 ektarya ng pahinuging palay ang natuyot at hindi na mapapakinabangan.
Sonabagan!
Mas masahol pa sa mga sinalanta ng 3rd wave CoVid-19 ang mga magsasakang biktima dahil sa nasabing pangyayari.
“Paano na ang kakainin ng kanilang mga anak?”
Salat na nga sila sa ayuda, naunsiyami pa ang inaasahang ani.
Sa totoo lang, bago pa man inumpisahan ang proyekto dapat tiniyak muna ni City of Cabuyao Engineering Department Head Ronilo Tecson na walang maaapektohan sa buong komunidad.
Kaso mas pinili pa niya ang semento at aspalto kaysa tubig na bubuhay sa mga tao at palay.
‘Yan din ang mahirap kapag ‘di akma ang puwestong hawak sa tinapos na kurso sa kolehiyo.
Sablay na maliwanag!
Saan na napunta ang sentido-komun ng mga tao n’yo, Mayor Mel?!
‘Kita-kits’ na lang ba ang laging prayoridad bago ang sikmura ng taong-bayan?
“Nasaan na ba ang tinatawag mong ‘kalinga’ ng bayan?”
By the way, in the interest of full disclosure and transparency, ‘di ba dapat lang na naka-bandera sa publiko ang halaga kung magkano ang badyet na nakalaan sa naturang proyekto gayondin ang petsa kung kailan ito inumpisahan at matatapos?!
 
Sablay na sablay ‘yan!
Alam mo pa ba kung ano ang nangyayari sa ‘maliliit’ mong constituents Mayor Mel?!
 
O ‘hasta la vista’ ka lang din pagkatapos at bago ang eleksiyon?!
 
Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *