INIHAYAG ni Konsehal Orvince Howard Hernandez sa mismong Araw ng mga Ina ang 10 grand winner sa Tiktoker si Mader, Tiktok Challenge na nilahukan ng mga residente ng Caloocan City.
Kabilang sa grand winners ang mga sumusunod- Karolle Rasgo Navera, 24; Jean Lopido, 26; Thea Marie Pilapil, 28; Christine Sadang, 30; Jackylyn Dela Rama Polis, 30; Janine Marie Granada, 31; Ma. Crisafel B. Tumanog, 35; Janice Almoete, 39; Elizabeth Goneda Tatad, 39; and Evelyn Mauricio, 46; pawang residente sa lungsod.
Bukod sa grand winners, limang iba pang kalahok ang pinili upang bigyan ng natatanging gantimpala – special mention awards sina Judith Abello Eugenio, 72; Mary Eileen Veraye, 34; Learica C. Valeros, 33; Marylyn Liwag, 25; at Sherelyn P. Tulio.
Ang grand winners ay tatanggap ng P5,000 bawat isa at ang mga natatanging gantimpala naman o special mention awardees ay tatanggap ng P1,000 bawat isa. Bukod pa ang certificate of recognition.
“Wala pong uuwing luhaan dahil ‘yun pong mga sumali na hindi pinalad na manalo ay may consolation prize din, ConVINCED t-shirt, at certificate of recognition bawat isa sa kanila,” paliwanag ni Konsehal Hernandez.
Ang “TikToker si Mader” Tiktok Challenge ay pinangunahan ni Hernandez para sa mga ina sa lungsod ng Caloocan bilang simpleng papagpaparangal sa mga nanay sa gitna ng pandemya.
“Congratulations po sa mga nanalo at sa lahat ng mga sumali. Ito pong contest na ito ay bilang pagpupugay sa ating mga nanay na kahit gitna tayo ng pandemya ay hindi tumitigil sa pag-aalaga at pagsisilbi sa atin. Isang simpleng ‘I love you’ lang galing sa atin, siguradong kompleto na ang Mother’s Day ni nanay,” dagdag ng tinaguriang ‘milenyal na konsehal.’
Umabot sa 1,500 ang entries sa Tiktoker na Mader, ang patimpalak ni Hernandez. (JUN DAVID)