Covid-19 cases sa lungsod ng Pasay ‘tumatamlay’ (Sa record ng Pasay City General Hospital)
BUMABABA ang occupancy rate sa CoVid-19 confirmed ward sa Pasay City General Hospital.
Mula sa 65%, bumaba ito sa 59% occupancy rate sa CoVid-19 confirmed ward ng PCGH, sinabing maituturing na normal/safe risk rating.
Nangangahulugang patuloy na bumababa ang bilang ng mga nagkakasakit ng CoVid-19 sa lungsod.
Kinompirma rin ng PCGH may bakante pa silang tatlong CoVid-19 ICU beds.
Bakante rin ang 10 regular CoVid-19 beds at nanatiling bukas ang emergency room para sa CoVid-19 at non-CoVid-19 patients.
Nananatili ang isang active CoVid-19 case sa hanay ng mga empleyado ng PCGH, may mild symptoms at kasalukuyang nasa home quarantine.
Samantala, isang residente ng Pasay City ang naidagdag sa talaan ng mga namatay dahil nasabing virus. (JAJA GARCIA)