Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Monthly food pack ni Yorme, ibinibigay sa piling residente

PILING-PILING residente lang umano ang nabibigyan ng monthly food pack na ibinibigay ni Yorme kada buwan sa bawat pamilyang naninirahan sa Lungsod ng Maynila.
 
Mandatoryo at obligadong magkaroon ng isang kahon na food pack na naglalaman ng bigas, mga de-lata, noodles at kape ang bawat pamilya kada buwan upang maibsan ang gutom maski na paano habang nasa panahon ng pandemya.
 
Ang mga food pack ay ibinabagsak sa lahat ng barangay sa Maynila at ibinabahagi g chairman at ng kanyang mga kagawad sa lahat ng kanilang constituents at residente.
 
Sa direktiba ni Yor-me, lahat umano o bawat pamilya ay dapat makatanggap ng isang kahong food pack kada buwan. Walang personalan, pamomolitiko o kulay sa pagbibigay nito.
 
Wala na sigurong hihigit pa sa layunin ni Yorme na mapunuan lahat ng pangangailangan ng bawat Manilenyo. Pantay-pantay lang, walang mahirap o mayaman, lahat ay tatanggap ng dapat tanggapin, ang tinanggap ng isa ay tatanggapin ng lahat.
 
Nguni’t dito umano sa isang barangay sa Sta. Cruz, Manila, tila taliwas at tipong sinasalungat ng isang chairman ang lahat ng tagubilin ng punong-lungsod kung kaya’t siya ay umani ng mga batikos sa mga residenteng hindi umano nakatatanggap ng mahiwagang kahon.
 
Ayon sa mga residente, hindi umano sila nakata-tanggap ng food pack o anumang benepisyo sa kanilang barangay simula i-lockdown ang buong bansa noong 17 Marso 2020 hanggang sa kasalukuyan.
 
Ang kanilang tinuukoy ay walang iba kundi ang isang Chairman Gacula ng Barangay 310, Zone 31 sa Sta. Cruz, Maynila na masyado raw silang pine-personal hinggil sa lahat ng benepisyong dapat nilang tanggapin.
 
Mas prayoridad ni Gacula ang mga naka-istambay lang sa labasan na nakikipagtsismisan kaysa law abiding citizens na nasa loob ng bahay at sumusunod sa mga health protocol.
 
Maliban dito, mas angat at palaging lamang daw sa lahat ng bagay ang mga kapamilya at kamag-anak ni chairman, mga amigo at amiga ni kagawad at mga alaga at bata-bata ng mga tanod. Matic na nakatala na sila sa ledger at mga benepisyong tatanggapin.
 
Sa tingin daw nila ay mas masaya itong si chairman na nakaimbak lang sa loob ng isang container van sa kanilang barangay ang mga food pack kaysa ipamigay ito sa mga residente o sa mga taong nangangailangan, totoo ba ito chairman?
 
Ilan beses na rin daw silang lumapit kay Gacula upang idulog ang kanilang problema nguni’t dedma lang daw at tila walang pakialam sa kanilang hinanaing.
 
Sa puntong ito, binansagan na nila si chairman na chairman DRACULA dahil sinipsip at natuyo na ang kanilang dugo sa sama ng loob at kunsumisyon na hanggang doon na lang at walang pinatungohan.
 
Wala na rin umano silang mapaghingahan ng problema kung kaya’t naisip nilang idulog na lamang ito sa pitak na ito upang maski paano ay makarating sa kinauukulan partikular sa pinagpipitagan nilang Punong Lungsod Isko Moreno.
 
Hindi lang siguro sa nasabing barangay nagka-karoon ng ganitong problema. Marami pang mga chairman sa buong Maynila ang may ganitong kalakaran… ‘iba ang tinitingnan kaysa tinititigan.’
He he he…
 
Tulad nga sa mga naunang ulat, hari o feeling like a king ang tingin nila sa kanilang mga sarili simula noong panahon ng pandemya hanggang sa kasalukuyan dahil marahil sa sobrang kapangyarihan ipinagkaloob sa kanila ng tagapangasiwa, spoiled na spoiled, ‘di po ba?
 
Sa yugtong ito ay nananawagan ang mga residenteng nagrereklamo kay Yorme na sinasabi nilang ang kanilang huling rekurso at pag-asa upang dinggin at busisiin ang isyu at kontrobersiya nilang pinagdaraanan sa kanilang barangay.
 
YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *