Monday , May 6 2024

Serye-Exclusive: Villamin, tablado sa Davao Group

ni ROSE NOVENARIO

NABIGO si Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin na masungkit ang inaasam niyang suporta sa tinaguriang Davao Group o ang pangkat na pinaka­malapit sa pamilya Duterte.

Sinabi ng source kamakalawa sa HATAW, nabisto umano ng Davao Group na gusto ni Villamin na ihanay sila sa mga opisyal ng adminis­trasyon na ginasgas para palabasing kakampi niya sa pekeng adbokasiya na tumulong paunlarin ang sektor ng agrikultura sa bansa sa pamamagitan ng pangangalap ng puhunan sa publiko, lalo na mula sa overseas Filipino workers (OFWs).

“Taliwas sa ipinangangalandakan niyang sanggang-dikit sa pamilya Duterte, matagal na palang dumistansiya sa kanya ang ipinagmamalaki niyang ‘alas’ sa kanilang bakuran,” dagdag ng source.

Nangyari umano ito matapos ang sunod-sunod na kasong syndicated estafa na isinampa laban kay Villamin at kanyang mga kaanak bilang matataas na opisyal ng DV Boer Farm Inc.

Ibig sabihin ay nagtapos na umano ang ilang taong pagpapang­­­gap ni Villamin bilang Duterte supporter para makombinsi ang OFWs na maging Pa-Iwi investors at maglagak ng pera sa Microfinance program ng kanyang DV Boer.

Ang nahamig ni Villamin na multi-bilyong piso mula sa kanila’y ipinantustos sa maluho niyang pamumuhay, pagsusugal at para panggastos sa pangarap niyang maging mam­babatas.

Ngunit lumiliit na umano ang mundo niya lalo na’t may mga resolusyon nang inilabas ang iba’t ibang piskalya sa kasong syndicated estafa at iniakyat na sa mga hukuman.

Umaasa ang mga naloko ni Villamin na aaksiyonan ng isang hukom sa Rizal ang kasong syndicated estafa laban sa kanya lalo na’t mahigit isang buwan na itong nasa kanyang mesa.

Nakasaad sa rules of court, tatlong araw lang ang takdang panahon para maglabas ng warrant of arrest laban sa akusado.

Pero dahil isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR plus bubble mula noong nakalipas na buwan, tila nagkaroon ng rason ang hukom para mabinbin ang kanyang aksiyon laban kay Villamin.

(May Karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

IBP Integrated Bar of the Philippines

 IBP to Hold the 20th National Convention of Lawyers Next Year

The Integrated Bar of the Philippines announced yesterday the holding of the 20th National Convention …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, ILLEGAL GUN OWNER, KAWATAN NG MOTOR NASAKOTE

ARESTADO ang tatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa …

Bulacan ilog dredging

Limang ilog sa Bulacan bumabaw  
282-M METRO KUBIKONG BURAK AT PUTIK IPAHUHUKAY NA

AABOT sa 282.02 milyong metro kubiko ng burak, putik at basura ang target alisin sa …

shabu drug arrest

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual …

Arrest Posas Handcuff

Tinakot pa ng baril
MISTER KALABOSO SA PAG-UMBAG NG LIVE-IN PARTNER

SA KULUNGAN bumagsak ang isang ‘matapang’ na mister matapos dakpin ng pulisya dahil sa reklamong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *