Saturday , November 16 2024

House lockdown muling pinalawig sa Pampanga (frontliners ng CPOSCO umayuda)

NAGSAGAWA ng Oplan Sita ang mga frontliner ng City Public Order and Safety Coordinating Ofice (CPOSCO) ng lungsod ng San Fernando sa pamumuno ni Deputy Chief for Operation Elmer Salangsang, at umayuda bilang katuwang ng pulisya sa pagpapatupad ng safety health protocols laban sa CoVid-19 at iba pang mga ordinansa, nitong nakaraang buong linggo sa harapan ng Camp Olivas, ng nasabing lungsod, lalawigan ng Pampanga.
Tiniketan ang mga driver na walang lisensiya, mga motorsiklong paso ang mga rehistro, saka tinipon ang mga nasitang mga sibilyan sa hindi maayos na pagsusuot ng kanilang facemask at pinagsabihan upang maliwanagan sa kahalagahan ng mga personal protective equipment tulad ng facemask at face shield habang nasa labas ng bahay para maprotektahan ang sarili at makatulong sa pagbaba ng mga kaso ng CoVid-19 sa lalawigan.
 
Matatandaang dalawang beses nang pinalawig ang Executive Order No. 5 na nilagdaan ni Governor Dennis “Delta” Pineda, mula noong Marso at pangatlo ngayong mula 30 April hanggang 15 Mayo base sa rekomendasyon ng mga alkalde ng iba’t ibang mga bayan at mga lungsod sanhi ng paglobo ng kaso ng CoVid-19 sa Pampanga. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *