NADAKIP ang tatlong ‘highlander’ mula sa Mt. Province sakay ng van at mini-truck na puno ng mga bultong hinihinalang marijuana, nagkakahalaga ng halos P5,000,000 na nasabat ng mga kagawad ng PDEU Tarlac PPO, Tarlac City Police Station, PIU, Tarlac PPO, IMEG at PDEG, nitong Linggo ng umaga, 2 Mayo, sa inilatag na entrapment operation sa Brgy. San Nicolas, lungsod ng Tarlac.
Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang mga suspek, batay sa ulat ni P/Col. Renante Cabico, acting provincial director ng Tarlac PPO, na sina Cornelio Chumil-Ang, 33 anyos, driver; Jomar Pallar, 24 anyos; at Marcelino Caraowa, 40 anyos, pawang mga residente sa Sagada at Sadanga, sa Mountain Province.
Nakompiska ng mga operatiba mula sa mga suspek ang 24 bloke ng marijuana na nagkakahalaga ng P4,600,000, dalawang bote ng cannabis oil na nagkakahalaga ng P30,000 kada isa, marked money, dalawang cellphone, isang Toyota Hi Ace van, may plakang ZRL 111, at isang Isuzu mini dump truck, may plakang XAT 765 na pinagkargahan ng mga ilegal na droga.
Batay sa impormasyong nakalap, kasamahan ng mga nadakip na suspek ang mga nauna nang nasakote noong 18 Pebrero 2021 na nakuhaan ng P22-milyong halaga ng marijuana sa isang entrapment operation sa Brgy. San Francisco, sa bayan ng Concepcion, lalawigan ng Tarlac.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na isinailalim sa custodial investigation habang nakapiit sa PNP custodial facility. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …