Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kambal sa Australia, may iisang boyfriend

 
Kinalap ni Tracy Cabrera
 
SELANGOR, MALAYSIA — Maaaring marami ang hindi makapaniwala na isang pares ng kambal mula sa Australia ang hindi lamang nagsasalo sa kanilang pagkain, gawain at damit kundi maging sa kanilang kasintahan.
 
Sadyang dinala ng identical twins na sina Anna at Lucy DeCinque, 35, sa mas mataas na antas ang kanilang pagiging kambal sa pagsasalo sa halos lahat ng aspekto ng kanilang buhay — mula sa kanilang higaan, mga damit at ngayon sa kanilang boyfriend na si Ben Byrne, na noong 2012 pa nila ka-date at nakasama sa pamamasyal at paglalambingan.
 
Ayon sa kambal, magkasundo sila kapag nangangasilyas at madalas na nagsasabay para maligo — kaya nga binansagan silang ‘world’s most identical twins.’
 
Inihayag ng dalawa, nagmula sa lungsod ng Perth sa Australia, sa panayam ng The New York Post na balak nilang magpakasal pareho sa kanilang nobyong si Byrne kung maaari nga lang sana ngunit labag umano ito sa batas.
 
“The first night we met him, we both kissed him. It was great from the start. We just hit it off straight away,” ginunita ni Anna, na ngayo’y kasama ang kanyang kapatid at kasintahan habang nagbabakasyon sa Petaling Jaya sa Selangor, Malaysia.
 
“He treats us equally. He knows that whatever he does to one twin, he does to the other,” sabi naman ni Lucy.
 
Kakaiba raw si Byrne, sang-ayon ang dalawa at nauunawaan daw nito ang kanilang espeysal na bond sa isa’t isa kaya kapag natutulog ay magkasiping silang tatlo.
 
“You name it and we do it. We’re never apart. I don’t think we’d function without each other,” ani Lucy.
 
“We have separation anxiety. We’re bound to each other,” dagdag ni Anna.
 
Ayon kay Lucy, nakipag-date na sila dati ngunit hindi ito umubra dahil lagging tinatangkang paghiwalayin sila ng napupusuan nilang binata.
 
 
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …

SM holiday finds FEAT

Get the perfect presents with these holiday finds at SM Supermalls

The holidays are here, and nothing makes the season brighter than finding the perfect gift …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …